DOH nagpaalala, bilang mg biktima ng paputok umabot na sa 69

DOH nagpaalala, bilang ng biktima ng paputok umabot na sa 69

Therese Arceo - December 26, 2024 - 09:49 PM

DOH nagpaalala, bilang ng biktima ng paputok umabot na sa 69

NAGPAALALA ang Department of Health tungkol sa tumataas na bilang ng fireworks-related injuries (FWRI) sa bansa isang linggo bsgo ang papalapit na selebrasyon ng Bagong Taon.

Ngayong Huwebes, isang araw matapos ang selebrasyon ng Kapaskuhan, naglabas ng report ang Kagawaran ng Kalusugan tungkol sa mga biktima ng paputok.

Sa kabila ng papataas na bilang ay mas mababa pa rin ito kumpara sa mga kasong naitala noong nakaraang Kapaskuhan ayon sa DOH.

Ang naturang cases ay naitala mula noong December 22 hanggang 6:00AM ng December 26, base sa report ng kanilang 62 sentinel sites.

Baka Bet Mo: Nelson Canlas tinalakan ng taga-DOH matapos ma-interview si Pia?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon rin sa report ng DOH ay 58 mula sa 69 cases ay nasa edad 19 years old pabana habang ang natitira naman sy may edad na 20 years old pataas. 65 rito ay mga lalaki at apat naman ay mula sa kababaihan.

Dagdag pa nila, nasa 51 naman o 74% ng mga FWRI cases ay mga active users ng paputok at 86% ng total cases ay gumamit ng mga ilegal na paputok, gaya ng boga.

Kaya naman muling nanawagan ang DOH sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok upang makalayo sa disgrasya.

“Mga bata at menor de edad pa rin ang karamihan sa mga gumamit at biktima ng paputok,” caption ng ahensya kasunod ang mga epekto ng paputok.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ng DOH, “Bantayan ang mga bata at pagbawalan silang gumamit ng paputok lalo na ang Boga, 5-Star at Piccolo na pangunahing sanhi ng aksidente mula sa paputok.

“Disiplina at pagiging alerto ang kailangan para hindi mabiktima ng paputok.

“Mag-ingat po tayong lahat, dahil #BawatBuhayMahalaga!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending