Bosero sa bus, dakip

By John Roson November 08,2019
share this

Bosero sa bus, dakip

By John Roson November 08,2019
share this

ARESTADO ang isang seaman matapos ireklamo ng pagbi-video sa maselang bahagi ng babaeng kasakay niya sa pampasaherong bus, sa Imus City, Cavite, nitong Huwebes.

Naaresto si Ernie Bentulan, 46, residente ng Brgy. Salitran 4, Dasmariñas City, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-2:30, sa bahagi ng Aguinaldo Highway na sakop ng Brgy. Anabu II-C.

Sakay noon si Bentulan at ang 29-anyos na babae, na isang call center agent, sa isang bus na patungong Dasmariñas.

Sinabi sa pulisya ni “Joy” (di tunay na pangalan) na natutulog siya, at nang magising ay nakita si Bentulan na kinukunan ng video ang maselang bahagi sa ilalim ng kanyang skirt.

Kinumpronta ng babae ang suspek at inulat ito sa pulis na nakatalaga malapit sa pinangyarihan.

Iniimbestigahan ang suspek para sa posibleng pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti Photo and Video Voyeurism Law.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending