Jail officer patay, kasama sugatan sa ambush

By John Roson November 09,2019
share this

Jail officer patay, kasama sugatan sa ambush

By John Roson November 09,2019
share this

NASAWI ang isang jail officer habang isa sa kanyang mga kasama ang nasugatan sa pananambang ng armadong kalalakihan sa Bacolod City, Biyernes ng gabi.

Napatay si JO1 Jayvee Jason Vargas, 28, residente ng Brgy. Handumanan, sabi ni Lt. Col. Joem Malong, tagapagsalita ng Western Visayas regional police.

Sugatan si Gian Philip Yoro, 25, residente ng parehong barangay.

Naganap ang insidente dakong alas-11:50, sa Purok Katipunan, Brgy. Cabug.

Dumadaan noon sa naturang lugar sina Vargas, Yoro, at tatlo pang kasama, kabilang ang isang retiradong jail officer, mula sa SP Village, Brgy. Pahanocoy, sakay ng puting pick-up.

“They were ambushed by an undetermined number of persons using unknown caliber of firearms,” ani Malong, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, na agad tumakas matapos ang insidente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending