ARESTADO ang lalaking nagpapatay diumano sa kanyang asawa’t anak sa Sta. Rosa City, Laguna, noong 2016, nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa Taguig City, nitong Biyernes. Nadakip si Ricardo Sta. Ana sa Bonifacio Global City dakong alas-5:35, ayon kay Brig. Gen. Vicente Danao, direktor ng Calabarzon regional police. Isinagawa ng pulisya ang operasyon sa […]
ISANG lalaki ang nasawi at tatlo pa ang nakaligtas nang itaob ng malalaking alon ang sinakyan nilang bangka, sa bahagi ng dagat na sakop ng Burdeos, Quezon. Natagpuan ang mga labi ni Merlito Flores, 53, casual employee sa lokal na pamahalaan ng Burdeos, Biyernes ng umaga, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Ligtas na […]
DALAWANG lalaki ang nasawi nang sumalpok ang sinakyan nilang motorsiklo sa isang nakaparadang trailer truck sa General Trias City, Cavite, Huwebes ng gabi. Dead on arrival sa ospital ang driver ng motor na si Jeremy Lamsen, 25-anyos, residente ng Muntinlupa City, at ang kanyang di pa kilalang angkas, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. […]
DINAMPOT ng mga pulis ang isang lalaki para sa paggamit ng electronic cigarette o “vape” sa Lucena City, Quezon, Huwebes ng gabi. Nadakip si Marq Joseph Virtucio, 21, sa bahagi ng Quezon ave. na sakop ng Brgy. 1, dakong alas-8:45, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Isinagawa ang pag-aresto bunsod ng direktibang ipinalabas ng […]
UMABOT sa 9,573 katao ang nagsilikas sa Cagayan dahil sa magkasunod na bagyong “Ramon” at “Sarah,” ayon sa mga otoridad. Sa kabila ng mga pagbaha, landslide, at mlalakas na hanging dulot ng dalawang bagyo, walang naitalang nasawi o nasugatan, sabi ni Rogie Sending, tagapagsalita ng pamahalaang panlalawigan. Naitala ang mga nagsilikas sa mga bayan ng […]
ISANG lalaki ang nasawi at 11 pa ang nasugatan nang bumaligtad ang sinakyan nilang “kuliglig,” sa Santa Maria, Isabela, Martes ng hapon. Dead on arrival sa ospital ang isa sa mga pasahero, na nakilala bilang si Jayson Gumaru, ayon sa ulat ng Isabela provincial police. Sugatan naman ang driver na si Ferial Baccay Jr., 38, […]
DAAN-daan katao ang pinalikas sa lalawigan ng Cagayan bago ang inaasahang pagtama sa kalupaan ng bagyong “Ramon.” Kabilang sa mga unang nagsilikas ang 41 pamilya na binubuo ng 133 ktao sa bayan ng Sta. Praxedes at 89 pamilya o 264 katao sa bayan ng Gattaran, sabi ni Rogie Sending, tagapagsalita ng Cagayan provincial government. Ang […]
DALAWANG batang lalaki, kabilang ang isang nagdiriwang ng kaarawan, ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa Pangasinan nitong Linggo. Nalunod ang 7-anyos na si Alvin Bautista sa swimming pool ng isang resort sa Brgy. Tebag, bayan ng Mangaldan, dakong alas-3 ng hapon, ayon sa ulat ng Ilocos regional police. Sadyang nagtungo sa resort […]
ARESTADO ang isang Nigerian na sangkot umano sa swindling, nang magsagawa ng entrapment operation ang pulisya sa isang mall sa Trece Martires City, Cavite, nitong Biyernes. Nadakip si Chimaobi Michael Orjianya, 29, pansamantalang naninirahan sa Dasmarinas City, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Dinampot ng mga pulis ang banyaga nang tanggapin nito ang P380,000 […]
NASAWI ang isang ginang nang pagtatagain ng kanyang mister sa harap ng kanilang anak, sa Bayambang, Pangasinan, Biyernes ng hapon. Napatay din ang suspek nang barilin ng mga rumespondeng pulis. Ikinasawi ng ginang na si Marivic Panaman, 42, ang mga tagang dulot ng jungle bolo na ginamit ng asawang si Rosendo, 47, ayon sa ulat […]