6 sugatan, mahigit 100 istraktura nasira sa magnitude 5.9 lindol sa Bukidnon
ANIM ang sugatan, samantalang mahigit 100 istraktura ang nasira matapos tumama ang magnitude 5.9 lindol sa Bukidnon at iba pang bahagi ng Mindanao, Lunes ng gabi.
Kabilang sa mga sagutan ay sina Emilda Acma, 53; Louella Guarin, 54; Christian Tagylo, 34; Aiza Abilay, 32; Ronna Mae Cainglet, 45, pawang residente ng Brgy. Camp 1, bayan ng Maramag, ayon kay Col. Roel Lami-ing, Bukidnon provincial police director.
Sugatan din si Andresa Polon, residente ng Brgy. Matambay, Kadingilan, na tinamaan sa ulo, ayon Lami-ing.
Tumama ang lindol sa Kadingilan ganap na alas-9:22 ng gabi, kung saan naitala ang mga aftershocks.
Sinabi ni Lt. Col. Surki Serenas, Valencia City police chief, na nagdulot ang lindol ng mga pinsala sa pader ng Esther Hospital sa kahabaan ng Sayre Highway sa Brgy. Lumbo, dahilan para pansamantalang ilikas ang mga pasyente.
Samantala, inilipat ang tinatayang 163 pasyente ng Simbulan Hospital at Pahilan Hospital sa bayan ng Don Carlos, sa municipal gymnasium matapos magkaroon ng pinsala dulot ng lindol.
Mahigit 100 bahay din ang napinsala dahil sa lindol.
Umabot 15 bahay ang nasira sa Brgy. Husayan, samantalang 88 iba pa ang partially damaged, sabi ng Office of Civil Defense-Northern Mindanao.
Napinsala rin ang police station ng bayan, ang San Isidro Parish Church, ang barangay hall of Poblacion, the health center ng Brgy. Kibogtok, at ang Sangguniang Bayan office at the municipal hall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.