'Kuliglig' bumaligtad: 1 patay, 11 sugatan | Bandera

‘Kuliglig’ bumaligtad: 1 patay, 11 sugatan

John Roson |November 19,2019
facebook
share this

‘Kuliglig’ bumaligtad: 1 patay, 11 sugatan

John Roson - November 19, 2019 - 04:58 PM

ISANG lalaki ang nasawi at 11 pa ang nasugatan nang bumaligtad ang sinakyan nilang “kuliglig,” sa Santa Maria, Isabela, Martes ng hapon.

Dead on arrival sa ospital ang isa sa mga pasahero, na nakilala bilang si Jayson Gumaru, ayon sa ulat ng Isabela provincial police.

Sugatan naman ang driver na si Ferial Baccay Jr., 38, at ang 10 pang sakay, na kinabibilangan ng dalawang batang babaeng edad 11 at 9.

Pawang mga taga-Cabagan ang driver at kanyang mga sakay.

Naganap ang insidente sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Poblacion 1, dakong ala-1:15.

Minamaneho ni Baccay ang kulay-asul na “kuliglig” patungo sa direksyon ng Tuguegarao City, Cagayan, nang bigla umanong siyang mawalan ng kontrol sa manibela, ayon sa pulisya.

Dinala ang mga sugatan sa Elvin U. Masigan Integrated Memorial Hospital ng Santa Maria at isa pang pagamutan sa Tuguegarao, para malunasan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending