Ginang kinatay ng mister; suspek patay sa pulis | Bandera

Ginang kinatay ng mister; suspek patay sa pulis

John Roson |November 16,2019
facebook
share this

Ginang kinatay ng mister; suspek patay sa pulis

John Roson - November 16, 2019 - 04:39 PM

NASAWI ang isang ginang nang pagtatagain ng kanyang mister sa harap ng kanilang anak, sa Bayambang, Pangasinan, Biyernes ng hapon.

Napatay din ang suspek nang barilin ng mga rumespondeng pulis.

Ikinasawi ng ginang na si Marivic Panaman, 42, ang mga tagang dulot ng jungle bolo na ginamit ng asawang si Rosendo, 47, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.

Naganap ang pananaga dakong alas-3, sa bahay ng mag-asawa sa Brgy. San Gabriel 2.

Sinabi sa pulisya ng kanilang 15-anyos na anak na nadinig pa niyang tinawag ng ama ang kanyang ina, na noo’y nasa loob ng bahay at nagpapakain ng aso.

Nakita pa ng kanilang binatilyo na pumasok ang ama sa bahay, isinara ang pinto, at ito’y ikinandado.

Kasunod nito’y nadinig na lang ng binatilyo na humihingi ng tulong ang ina kaya nagpumilit pumasok ng bahay, hanggang sa makita ang huli na tinataga ng ama.

Tinangka rin umanong tagain ng suspek ang binatilyo, pero nakaiwas ang huli at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Agad rumesponde ang mga miyembro ng lokal na pulisya nang matunugan ang insidente, at nang dumating ay sinugod din umano ng jungle bolo ni Rosendo kaya ito pinaputukan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending