Lola patay sa sunog | Bandera

Lola patay sa sunog

John Roson |November 07,2019
facebook
share this

Lola patay sa sunog

John Roson - November 07, 2019 - 05:27 PM

 

NASAWI ang 86-anyos na babae nang lamunin ng apoy ang kanyang bahay sa Pilar, Sorsogon.

Na-trap ang matandang balo na si Jertrudes Luber dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy sa kanyang kubo, ayon sa ulat ng Sorsogon provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw Miyerkules, sa Sitio Sapran, Brgy. Sta. Fe.

Nakita na lang umano ng anak ni Luber na nilalamon ng apoy ang bahay ng ina.

Pinaniniwalaan na nagmula ang apoy sa gasera na kadalasang iniiwang nakasindi ng matanda pag gabi.

Bukod sa pagkasawi ni Luber ay nagdulot ang apoy ng pinsalang di bababa sa P3,000, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending