John Roson Archives | Page 29 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 29 of 149 | Bandera

Radioman patay sa ambush sa Dumaguete

NASAWI ang isang radio broadcaster nang tambangan ng di pa kilalang salarin sa Dumaguete City, Negros Oriental, Huwebes ng umaga. Nakilala ang nasawi bilang si Dindo Generoso, residente ng Brgy. Banilad, ayon sa ulat ng Negros Oriental provincial police. Si Generoso ay host ng isang programa sa dyEM 96.7 Bai Radio, ayon sa National Union […]

Pampasaherong barko naaksidente sa Cebu: 63 sakay nasagip

ANIMNAPU’T tatlo katao ang nasagip nang maaksidente ang sinakyan nilang pampasaherong barko sa gitna ng masungit na dagat malapit sa Sibonga, Cebu, Huwebes. Ang 63 ay binubuo ng 53 pasahero at 10 crew member ng MV Siargao Princess, sabi ni Capt. Armand Balilo, tagapagsalita ng Coast Guard. “All of them have been accounted for. No […]

Cagayan binaha: 2 patay, higit 3,500 lumikas

DALAWANG tao ang nasawi habang umabot sa 3,520 ang lumikas dahil sa mga pagbaha at landslide na dulot ng matinding pag-ulan sa maraming bahagi ng lalawigan ng Cagayan, ayon sa mga awtoridad. Pagkalunod ang ikinasawi ni Eljhay Dallego, 10, ng Brgy. Bacsay Mapulapula, Claveria, habang landslide ang ikinasawi ni Augusto Achagan, 36, ng Brgy. Magdalena […]

Bus, van nagsalpukan: 9 patay, 4 sugatan

SIYAM katao ang nasawi at apat pa ang nasugatan nang magsalpukan ang isang pampasaherong bus at van sa Pamplona, Camarines Sur, Miyerkules ng gabi. Dead on the spot ang tatlong lalaki’t limang babaeng pasahero ng van, pati ang kanilang driver, ayon sa inisyal na ulat ng Camarines Sur provincial police. Naganap ang insidente sa Zone […]

2 sugatan sa aksidente sa bundok

SUGATAN ang isang pulis at seaman sa magkahiwalay na aksidente sa mga bulubunduking bahagi ng Ifugao at Benguet, nitong Martes. Nasugatan si CMSgt. Nelson Belowan nang mahulog ang sinakyan niyang pick-up sa isang bangin sa Aguinaldo, Ifugao, dakong alas-8:30 ng umaga, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Patungo si Belowan sa bayan ng Mayoyao, […]

Baby tinaga ng ina, patay

NASAWI ang 1-anyos na sanggol matapos tagain ng kanyang ina, sa bayan ng Mataas Na Kahoy, Batangas, Martes ng hapon. Dinala pa ang paslit sa Metro San Jose Medical Center dahil sa mga pinsalang tinamo, ngunit idineklarang patay ng doktor, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente sa Brgy. 2A, at naiulat […]

Teacher ninakawan, pinatay; anak ginapos

NASAWI ang isang public school teacher matapos pagnakawan at pagsasaksakin ng mga armado, sa kanyang bahay sa Caramoran, Catanduanes, Martes ng gabi. Nakilala ang nasawi bilang si Mel Rose Baloloy, 37, guro sa Tucao-Maysuram Elementary School, ayon sa ulat ng Catanduanes provincial police. Kasama ni Baloloy ang 13-anyos niyang anak na lalaki nang maganap ang […]

Jeepney nakanal: 23 sugatan

UMABOT sa 23 katao ang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang jeepney sa isang irrigation canal sa San Jose, Antique, nitong Martes. Kabilang sa mga sugatan ang driver na si Vicente Gallano Jr., 70, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police. Dinala siya at 22 niyang pasahero sa pagamutan dahil sa mga pasa at […]

Buhawi nanalasa sa Marawi; 1 sugatan, maraming istraktura napinsala

NANALASA ang buhawi sa maraming lugar sa Marawi City, Lanao del Sur, Lunes ng hapon, kung saan isa ang nasugatan at nagdulot ng pinsala sa maraming istraktura at mga bahay, ayon sa mga otoridad. Sinabi ni Sitti Rahma Maruhom, administrative officer ng City Disaster Risk Reduction and Managment Office, na kabilang sa apektado ng buhawi […]

Kawal patay sa IED blast sa Quezon; Army, NPA nagbakbakan

NASAWI ang isang sundalo nang magpasabog ng improvised na bomba ang mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army sa Quezon, Linggo ng hapon, matapos makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang rebeldeng grupo. Napatay si Pvt. Kim Veluz, miyembro ng Army 85th Infantry Battalion, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Nagmomotorsiklo si Veluz patungong Lopez […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending