Buhawi nanalasa sa Marawi; 1 sugatan, maraming istraktura napinsala | Bandera

Buhawi nanalasa sa Marawi; 1 sugatan, maraming istraktura napinsala

John Roson - November 04, 2019 - 08:05 PM


NANALASA ang buhawi sa maraming lugar sa Marawi City, Lanao del Sur, Lunes ng hapon, kung saan isa ang nasugatan at nagdulot ng pinsala sa maraming istraktura at mga bahay, ayon sa mga otoridad.

Sinabi ni Sitti Rahma Maruhom, administrative officer ng City Disaster Risk Reduction and Managment Office, na kabilang sa apektado ng buhawi ang mga bahagi ng Brgys. Fort, Barrio Green, Bangon, Datu Saber, at Sagonsongan, ganap na alas-2:10 ng hapon.

Kabilang sa tinamaan ng buhawi ay ang Fountain Harvest Islamic Academy, kung saan pitong silid-aralan ang nasira, dagdag ni Maruhom sa Bandera.

“Luckily, walang injuries doon kasi nailipat ang mga bata sa kabilang building, nakita nila kasi na parating yung tornado at alam nila kasi na kahoy yung classroom nila,” ayon pa kay Maruhom.

“It lasted for 10 to 15 minutes. Sobrang lakas ng hangin.”

Sa compound ng City Hall compound, napinsala ang mga gusali, kasama na ang Sangguniang Panlalawigan.

Umabot naman sa 10 bahay ang napinsala sa Brgy. Fort, 12, samantalang dalawa ang nasira sa Barrio Green, at napinsala naman ang 18 bahay sa Datu Saber.

“The auditorium and a waiting shed in Bangon were also destroyed, while some trees in that barangay and in Datu Saber were uprooted,” dagdag ni Maruhom.

Ginamot naman ang isang bata sa Datu Saber matapos masugatan.

Sinabi ng mga residente na aabot sa P720,000 halaga ng mga ari-arian ang nasira sa kanilang bahay, samantalang wala pang pagtaya ang mga otoridad sa pinsalang dulot ng buhawi sa mga imprastraktura at paaralan, ayon pa kay Maruhom.

Sa ulat mula sa pulisya at Philippine Red Cross apektado ang suplay ng kuryente sa lungsod, partikular sa Datu Saber, matapos na mabuwal ang mga poste ng kuryente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabagsakan din ng mga debris ang mga nakaparadang sasakyan sa RLM Building sa Barrio Green.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending