2 sugatan sa aksidente sa bundok | Bandera

2 sugatan sa aksidente sa bundok

John Roson - November 06, 2019 - 06:30 PM

SUGATAN ang isang pulis at seaman sa magkahiwalay na aksidente sa mga bulubunduking bahagi ng Ifugao at Benguet, nitong Martes.

Nasugatan si CMSgt. Nelson Belowan nang mahulog ang sinakyan niyang pick-up sa isang bangin sa Aguinaldo, Ifugao, dakong alas-8:30 ng umaga, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Patungo si Belowan sa bayan ng Mayoyao, kung saan siya nakatalaga, nang magkamali umano ng tantya sa kalsada sa Sitio Naelawan, Brgy. Galonogon, dahil sa fog.

Dakong alas-3:50 ng hapon, nasugatan ang seaman na si Rosper Val Castro, 24, nang mabagsakan naman ng bato ang windshield ng kanyang Toyota BB wagon sa bahagi ng Marcos Highway na sakop ng Tuba, Benguet.

Minamaneho ni Castro ang sasakyan patungong Baguio City nang mabagsakan ng batong mula sa gilid ng bundok sa Sitio Poyopoy, Brgy. Taloy Sur, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending