Suicide bombing napigil sa Sulu; 2 banyagang terorista, 1 pa patay -  AFP | Bandera

Suicide bombing napigil sa Sulu; 2 banyagang terorista, 1 pa patay –  AFP

John Roson - November 05, 2019 - 10:01 PM

TATLONG hinihinalang terorista, kabilang ang dalawang dayuhan, ang napatay nang mapigilan ng mga tropa ng pamahalaan ang tangkang suicide bombing sa Sulu, Martes ng hapon, ayon sa militar.

Mag-amang Egyptian ang dalawang banyagang napatay, na nakilala lang sa mga pangalang “Abduramil” at “Abdurahman,” sabi ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Armed Forces Western Mindanao Command.

Asawa’t anak umano sila ng babaeng suicide bomber na namatay nang pasabugin ang sarili sa detachment ng Army 35th Infantry Battalion sa bayan ng Indanan, noong Setyembre 8, sabi naman ni Lt. Col. Gerald Monfort, tagapagsalita ng AFP Joint Task Force-Sulu.

Patungo ang dalawa, kasama ang isang lokal na kasapi ng Abu Sayyaf, sa Metro Jolo para magsagawa ng panibagong suicide bombing, nang maharang ng mga sundalo, aniya.

Nagsasagawa ang mga tauhan ng 41st Infantry Battalion at 1102nd Brigade ng operasyon laban sa mga banyagang terorista nang matiyempuhan ang tatlong sakay ng motorsiklo sa Sitio Itawon, Brgy. Kan Islam, Indanan, alas-4:50, ani Monfort.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending