Teacher ninakawan, pinatay; anak ginapos | Bandera

Teacher ninakawan, pinatay; anak ginapos

John Roson |November 06,2019
facebook
share this

Teacher ninakawan, pinatay; anak ginapos

John Roson - November 06, 2019 - 04:43 PM

NASAWI ang isang public school teacher matapos pagnakawan at pagsasaksakin ng mga armado, sa kanyang bahay sa Caramoran, Catanduanes, Martes ng gabi.

Nakilala ang nasawi bilang si Mel Rose Baloloy, 37, guro sa Tucao-Maysuram Elementary School, ayon sa ulat ng Catanduanes provincial police.

Kasama ni Baloloy ang 13-anyos niyang anak na lalaki nang maganap ang panloloob, pero iginapos ng mga salarin ang binatilyo, ayon sa ulat.

Naganap ang insidente dakong alas-8, sa bahay ni Baloloy sa Brgy. Toytoy.

Maghahapunan na sana si Baloloy at kanyang anak nang pumasok ang dalawang lalaki’t tinutukan sila ng baril.

Pinaluhod sila ng mga armado at kinuhaan ng P850 cash, bago ni-ransack ng mga ito ang kanilang silid.

Matapos iyo’y iginapos na ng mga salarin ang binatilyo malapit sa basement, habang ang kanyang ina’y dinala sa labas at doon pinagsasaksak hanggang sa mapatay, ayon sa pulisya.

Isang oras na ang nakalipas nang magawang kalagin ng binatilyo ang pagkakagapos, at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending