Mangingisda binaril ng Napocor technician, patay

By John Roson November 09,2019
share this

Mangingisda binaril ng Napocor technician, patay

By John Roson November 09,2019
share this

NASAWI ang isang mangingisda nang pagbabarilin ng isa umanong technician ng National Power Corporation, sa Puerto Princesa City, Palawan, Biyernes ng hapon.

Agad ikinasawi ni Bobby Molina, 45, ang mga tama ng bala sa ulo’t katawan, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-4:30, sa dalampasigan ng Purok Kapalaran, Brgy. Luzviminda.

Bago ito, nakikipag-inuman si Glenn Monte Ibarra, 47, operation and maintenance technician ng Napocor, kina Reynaldo Baculinao at Ricardo Baculinao Sr.

Dumating si Molina sakay nang bangka at tinawag ni Ricardo sa kanyang kubo para bilhan ng isda.

Matapos madala ang isda ay pabalik na sa kanyang bangka si Molina, pero habang bumababa sa kubo’y bigla na lang pinagbabaril ni Ibarra, ayon sa pulisya.

Naaresto ng mga rumespondeng pulis si Molina, at nakuhaan ng sling bag na may kalibre-.45 pistola, magazine na may siyam na bala, at apat pang bala.

Iniimbestigahan pa ang suspek para sa pagsasampa ng kaso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending