INAASAHAN na ng mga nakamasid lang ang muling pagsingasing ng babaeng dragon dahil pumasok na sa usapin ang maraming personalidad. Palaki na nang palaki ang isyu na nag-ugat sa paglalabas ng sama ng loob ng sikat na female personality tungkol sa kanyang anak na matagal na niyang hindi nakikita at nakakausap. Kuwento ng aming source, […]
SINASAMANTALA na nang husto ni Willie Revillame ang bago niyang hilig, ang pagpapalipad ng helicopter, dahil sa susunod na buwan ay anim na araw na siyang makakasama ng ating mga kababayan sa kanyang game show na Wowowin. Hindi simple ang pagdadagdag ng araw ng kanyang programa, pati ang araw ng kanyang pahinga ay maookupa na […]
PINAGTRIPAN ng mga bashers ang Comedy Concert Queen dahil sa kanyang pagsang-ayon sa Supreme Court na pagbabawal sa same sex marriage dito sa ating bayan. Konbiksiyon ni Ai Ai delas Alas ‘yun, hindi natin mahaharangan ang kanyang opinyon, kung paanong hindi rin naman niya sinasaklawan ang pananaw ng ibang tao. “Yun ang kanyang pinaninindigan at […]
Maigsi lang pala ang partisipasyon ni Alice Dixson sa seryeng Beautiful Justice bilang si Black Rose. Nu’ng Huwebes nang gabi ay pinatay na siya ng kaagawan niya sa posisyon bilang leader ng isang sindikato na si Valeen Montenegro na kapala-palakpak ang pag-arte. Nakakaaliw ka-text ang maganda pa ring si Alicia. Meron siyang mga komentong kanyang-kanya […]
ANG dami-daming kuwentong kumalat nu’n tungkol sa pagkahibang ng isang sikat na becki personality sa isang sikat na basketball player. Pagkahibang ang ginamit na salita ng mga impormante dahil talagang ginagawa ng sikat na becki ang lahat-lahat ng paraan para lang makuha niya ang loob ng kinahihibangan niyang manlalaro. Pero hindi kinasihan ng kapalaran ang […]
Isa sa mga pambatong programa ng GMA 7 ngayong 2020 ang Agimat Ng Agila ni Senador Bong Revilla. Sa teaser pa lang ay nang-iimbita na ang palabas. Pagkatapos nang limang taon ay muling mapapanood ang aktor-pulitiko sa isang serye, pinagbigyan ang hiling ng kanyang mga tagahanga na muli siyang mapanood nang regular sa telebisyon, tulad […]
TINUTUKAN ng isang grupong nagkakape ang dating magkarelasyong nauwi sa bangungot ang relasyon. Napakaayos nu’ng una pero nang makailang taon na sila bilang mag-asawa ay biglang sumabog ang isang malaking iskandalo. Nauwi sa hiwalayan ang relasyon na inasahan pa naman ng marami na magtatagal, nawindang ang publiko sa kanilang awayan na nauwi pa nga sa […]
SA isang linyang binitiwan lang ni Sharon Cuneta sa selebrasyon ng kanyang kaarawan sa ASAP Natin ‘To ay binulabog na niya ang mundo ng lokal na aliwan. “Emosyonal ako. Ang akala ko kasi, e, apat ang anak ko,” sabi ng Megastar. Nandu’n sina Frankie, Miel at Miguel. Sino ang wala? Ang kanyang panganay na si […]