Willie bumili ng sariling chopper, may lisensiya nang lumipad | Bandera

Willie bumili ng sariling chopper, may lisensiya nang lumipad

Cristy Fermin - January 13, 2020 - 12:30 AM


SINASAMANTALA na nang husto ni Willie Revillame ang bago niyang hilig, ang pagpapalipad ng helicopter, dahil sa susunod na buwan ay anim na araw na siyang makakasama ng ating mga kababayan sa kanyang game show na Wowowin.

Hindi simple ang pagdadagdag ng araw ng kanyang programa, pati ang araw ng kanyang pahinga ay maookupa na rin ng show, kaya ngayon ay ine-enjoy na niya ang panahon sa kanyang bagong dibersiyon.

Meron na siyang certificate para solong makapagpalipad ng chopper, bumili na rin siya ng sarili niyang helicopter, dahil kung susumahin ay ganu’n din naman ang kanyang magagastos kung magrerenta lang siya.

Mula sa susunod na buwan ay meron nang Wowowin tuwing Sabado, alas siyete nang gabi, nasa primetime na ang programang itinuturing na stress reliever ng mga Pinoy dito at sa iba-ibang bansa man.

Kuwento ni Willie, “Walang problema kung maagaw man ang rest day ko, ang mahalaga para sa akin, e, ang makapagbigay ng saya sa mga kababayan natin.

“Matagal na nilang hiling ang pagkakaroon ng Wowowin tuwing Saturday, pero hindi naman ‘yun kadaling mangyayari, pinag-aaralan siyempre ng GMA ang kanilang programming.

“Pero heto, magkakasama-sama na kami tuwing Sabado, dagdag-saya ito para sa kanila. Kung alas singko kaming magkakasama nang Monday to Friday, alas siyete naman kami tuwing Sabado magba-bonding,” masayang kuwento ng aktor-TV host.

Dagdag-saya na, dagdag-papremyo pa, ngayon pa lang ay inuupuan na ni Willie at ng buong production staff ng Wowowin kung anong mga bagong kaligayahan ang maibibigay nila sa ating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending