outbrain

Female celeb mas piniling magpasko kasama si daddy, ayaw na kay mommy

By Cristy Fermin January 13,2020
share this

Female celeb mas piniling magpasko kasama si daddy, ayaw na kay mommy

By Cristy Fermin January 13,2020
share this


INAASAHAN na ng mga nakamasid lang ang muling pagsingasing ng babaeng dragon dahil pumasok na sa usapin ang maraming personalidad.

Palaki na nang palaki ang isyu na nag-ugat sa paglalabas ng sama ng loob ng sikat na female personality tungkol sa kanyang anak na matagal na niyang hindi nakikita at nakakausap.

Kuwento ng aming source, “Hindi matatapos ang issue na ‘yan dahil maraming pahabol na kuwento kung bakit nagkakaganu’n ang anak ng female personality.

“May mga nagsasalita na, meron nang mga kuwentong naglalabasan, kaya hindi puwedeng mahinto agad-agad ang issue na ‘yan!

“Hanggang may mga sumasali sa kuwento, habang may nagbibigay ng mga comments, e, talagang lalala pa ang issue na ‘yan na in the first place kasi, e, sinarili na lang sana nila at pinag-usapan nang personal.

“Kung ganu’n ang ginawa nila, e, di sana, may tuldok na ang istorya!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

May dahilan ang pagpunta ng anak ng aktres sa bahay ng lola nito na kilalang personality din, du’n daw masaya ang dalaga, kaya sinadya nitong hindi umuwi sa bahay ng kanyang ina.

Balik-chika ng aming source, “Wala nang magagawa ang kahit sino sa naging desisyon ng girl. E, kung du’n nga naman siya masaya, may peace of mind, bakit kailangan siyang ipagtulakan sa isang lugar na wala namang ganu’ng napi-feel ‘yung tao?

“Ang nakakabigla lang, e, nagkaroon ng falling out ang mommy niya at ang lola niya nu’n, kaya hindi maiiwasang mabigyan ng ibang interpretation ng ibang tao ‘yun.

“Natural, may mga nagtatanong kung bakit hindi pinayuhan ng lola niya ang girl na umuwi sa bahay nila para du’n siya mag-celebrate ng Christmas?

“Pero siguradong nagkaroon ng pag-uusap ang maglola, tinanong siyempre ni lola ang apo niya kung bakit ayaw umuwi. Alangan namang kunsintihin niya ang ganu’n!

“Kinabukasan, ang nakasama naman pala nu’ng girl, e, ang father niya. Du’n pa lang, e, alam mo nang ayaw niya talagang umuwi para makasama ang family ng mommy niya,” panghuling chika ng aming impormante.

Wala nang clue, bigay na bigay na kung sinu-sino ang mga tauhan sa kuwentong ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending