Lukresyang aktres matinding magselos: Ang sarap hampasin ng bareta ng sabon! | Bandera

Lukresyang aktres matinding magselos: Ang sarap hampasin ng bareta ng sabon!

Cristy Fermin |January 12,2020
facebook
share this

Lukresyang aktres matinding magselos: Ang sarap hampasin ng bareta ng sabon!

Cristy Fermin - January 12, 2020 - 12:22 AM

PURO malalakas na tawanan ang maririnig mula sa isang umpukan habang inaalala nila ang mga kalukringan ng isang kilalang babaeng personalidad nu’ng magkarelasyon pa lang sila ng isang popular na male personality.

Mag-boyfriend pa lang sila nu’n, wala pang nagaganap na kasalan, pero ang dami-dami nang naganap na kuwentong mahirap makalimutan.

Kuwento ng isang miron, “Nu’ng maging magkarelasyon sila nu’ng male personality, e, nalaman niya na ex pala ng guy ang isang girl na nagtatrabaho sa network na pinag-iistaran niya.

“Natural, kahit hindi naman siya inaano nu’ng girl at nananahimik lang, e, talagang hindi niya binigyan ng katahimikan ‘yung babae!

“Minsan, habang naka-park ang car ng girl sa station, e, pina-flat niya ang mga gulong. Mismo! Siya ang utak nu’n! Siya ang nag-utos sa kanyang mga kampon na tanggalan ng hangin ang mga gulong ng car ng ex ng boyfriend niya!

“Iyak nang iyak ang girl nu’ng pauwi na, flat kasi ang mga gulong ng car niya. Kinailangan pa niyang magpunta sa isang talyer para magsama ng taong magkakarga ng hangin sa mga gulong ng sasakyan niya.

“Alam na ng girl kung sino ang gumawa nu’n dahil nu’ng mismong hapon na ‘yun, e, nakatanggap siya ng text message na ang sabi, ‘I have a big surprise for you. I’m sure you’ll not like it!’

“Kabado na ang girl nu’n pa lang, hanggang sa nakita na nga niya ang mga gulong ng kanyang car na humahalik sa lupa sa pagka-flat!

“Nanahimik lang ang girl, ayaw niya ng gulo, sinarili lang niya ang naging problema niya sa female personality,” unang kuwento ng source.

Ang ikalawang pambu-bully ng female personality ay mas matindi na, kinarir na niya ang pang-iinis na may kasamang selos sa ex ng BF niya, ‘yun na ang hindi kinayang palampasin ng empleyado ng network.

Sabi ng miron, “Kotse pa rin niya ang tinarget ng hitad na lukring, sinabuyan ng chemical ang car niya, kaya nagkatuklap-tuklap ang pintura.

“Malas ng female personality, may nakakita sa kanya na minamanduhan ang mga kampon niya, kaya sa sobrang awa sa girl, sinabi sa kanya ang nangyari sa kotse niya!

“Nagsumbong na ang girl sa mga executives ng network, ayaw kasi siyang tantanan ng girlfriend ng ex niya, ipinatawag ng mga bossing ang aktres.

“Hindi na siya nakapagsinungaling, may witness kasi, kaya hindi niya nagamit ang pagiging dramatic actress niya! Nu’n pa man, e, lukring na ang babaeng ‘yun!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nasaan na ang lalaking naging dahilan ng kalukringan niya ngayon? Hiniwalayan na siya, di ba? Kalukringan din niya ang dahilan! Ang sarap talaga niyang hampasin ng bareta ng sabon!” pagtatapos ng napapailing naming impormante.

Bigay na bigay ba, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kung sino ang lukresyang babaeng personalidad na ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending