outbrain

Payatolang aktres walang kaayus- ayos habang naggo-grocery; di man lang nagsuklay

By Cristy Fermin January 14,2020
share this

Payatolang aktres walang kaayus- ayos habang naggo-grocery; di man lang nagsuklay

By Cristy Fermin January 14,2020
share this

TAWA nang tawa ang aming source dahil sa kuwento ng kanyang mga kaibigan nang makita ng mga ito ang isang kilalang female personality sa isang pampublikong lugar.

Walang kaayus-ayos ang babaeng personalidad, parang kagigising lang ang kanyang peg, para nga raw ni hindi man lang siya nagsuklay.

Tawa nang tawang kuwento ng aming impormante, “Siyempre, sanay na sanay na silang makakita ng mga artistang maayos ang porma, di ba? So, nu’ng makita nila si ____ (pangalan ng maganda at magaling na aktres), nagdududa sila kung siya nga ‘yun!

“Inikutan pa nga siya ng isa sa grupo, tinititigan siyang mabuti kung siya nga ‘yun, pero kahit siya, e, duda rin! Parang oo raw na parang hindi naman!

“May isa pang dumikit sa girl, talagang malapit na sa mukha ng female personality ang kanyang mukha, nu’n lang niya napatunayan na ‘yun ngang artistang pinagtatalunan nila ang nandu’n!

“Tawanan sila nang tawanan dahil bakit ganu’n daw ang girl? Lumabas siya ng bahay na parang wala lang!” unang chika ng aming source.

Nu’ng mapatunayan ng magkakasama na ang female personality nga ang kasabayan nilang namimili sa isang malaking grocery ay inabangan na ng mga ito ang kanyang mga galaw.

Patuloy ng aming source, “May mga hinahanap siya na parang hindi niya raw makita-kita, kaya naiinis na siya! May kinausap siyang isang promodizer, may itinanong siya. Itinuro naman sa kanya ang hinahanap niya.

“Nawindang ang grupo nu’ng makita nila na ang hinahanap pala ng girl, e, mga food na para sa mga nagda-diet! Naloka sila, sa kapayatang ‘yun ng girl, e, nagda-diet pa pala siya!

“E, halos wala na nga siyang laman, parang buto at balat na lang siya, lumalaki lang ang itsura niya sa screen dahil nadadagdagan ang timbang ng mga artista!

“Gandang-ganda sa kanya ang grupo, pero sana naman daw, kapag lumalabas siya ng bahay, e, nag-aayos naman siya! Para lang daw kasing kagigising lang niya, tapos, naisipan niyang mag-grocery!

“Kitang-kita nila ang girl na walang-walang ayos talaga. Kitang-kita talaga nila,” pagbibigay pa ng clue ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kitang-kita n’yo rin naman kung gaano siya talaga kaganda, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending