Michael nagpakita ng pwet sa pelikula | Bandera

Michael nagpakita ng pwet sa pelikula

Jobert Sucaldito - August 04, 2015 - 02:00 AM

michael pangilinan

Speaking of the Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala Michael Pangilinan, natapos din nila ng partner niyang si Edgar Allan Guzman ang principal photography and shooting ng pelikula nilang “Pare Mahal Mo Raw Ako” kahapon.

Kasama rin dito ang nag-iisang Superstar nating si Ms. Nora Aunor na gaganap na isang lesbian sa movie. Sobrang tuwa ni Direk Joven Tan dahil nasa post-production stage na siya of the said film to be released by Star Cinema.

Since this is Michael’s first lead role in a movie, talagang kinausap ko siyang ibigay ang lahat para maging naaya-aya namang panoorin ang movie.

“Na-realize ko rin na kung magpapaka-wholesome naman ako masyado in this movie, baka walang maging interested. Kaya nga ako puspusang nag-gym para kahit paano ay hindi naman masyadong kahiya-hiya pag tinamaan ng cameras and ilang bahagi ng katawan natin, di ba?

“Hindi naman ako nag-nude dito dahil alam ko namang di ito papasa sa MTRCB. Ha-hahaha! Slightly sexy lang sa ibang scenes – incidental lang naman.

Like for instance, kapag naliligo ka ba sa banyo ay nakadamit ka? Hindi naman, di ba? Kaya tinamaan ng camera ang part ng butt ko and parang naked ako looking from the back kasi nga may salamin namang nakaharang.

“Kailangan naman kasi sa scene. Nu’ng ipaliwanag sa akin na maganda naman ang execution, hindi na ako nagdalawang-salita.

Hindi naman kasi bold movie ito – may pagka-gay ng konti ang theme dahil iyon ang nilalaman ng kanta pero sa totality ng movie, matino siya.

Excited kami ni EA na mapanood ang buong kopya once na-edit na – saya kasi namin sa set eh.
“Kailangang tapusin na namin ang shooting kahapon dahil napakarami pa naming commitments ni EA.

Mahirap nang magkapatong-patong ang skeds namin. Thanks sa suporta ninyong lahat. Asahan namin ang dagdag niyong suporta once maipalabas na ang movie namin – hindi lang naman ito istorya ng isang lalaki and his gay best friend – marami tayong matututunan as far as love and friendship are concerned.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Love is universal, di ba? So, para sa lahat ng genders ang movie na ito – hindi lang para sa mga bading,” ani Michael na lalong sumipag lately dahil super-inspired siya to work dahil very positive ang feedback ng every performance niya.

Congrats sa inyo, Michael and Edgar Allan and of course, kay Direk Joven Tan na panay ang pagsusunog ng kilay matapos lang ang kaniyang per project for 2015. Good luck guys!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending