Hero umaasang makababalik pa rin sa pag-aartista
If only for those works of art na na-flash sa screen habang ini-interview nina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino si Hero Angeles sa late night talk show nila, we would want to see Hero getting another successful comeback sa showbiz.
Napakahusay pala ng mga kamay ng mamang ito (yes, nawala na ang pagiging pakyut niya noon) sa pagpipinta. Sa tindi ng pinagdaanan nito noon sa showbiz dahil sa pasaway niyang kuya na naging manager niya, siguro naman ay marami ring baon na “paghuhugutan” si Hero bilang aktor.
Kitang-kita kasi ang pagiging artist niya sa mga ipinakitang work of art niya at sa lagay palang yun ay nakapagtrabaho na siya abroad.
Ganu’n pa ring magsalita si Hero na parang huli naming nakita as among “those” na lang sa mga talents ni Kuya Germs sa Walang Tulugan.
Isa nga siya sa mga nagbabalik-Kapamilya talent na gaya ng iba ay wish ding makapagtrabaho uli ng bonggang-bongga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.