Ai Ai, Kim, Juday biktima ng kaplastikan Kris
MARUNONG magpatutsada itong si Kris Aquino sa kanyang detractors, or maging sa mga bumabatikos sa kuya niyang si President Noynoy Aquino.
When she hosted her evening show last Monday, she made sure that her audience will have a piece of her mind. Meron kasing nakasulat na statement sa kanyang blouse, “How beautiful it is to stay silent when someone expects you to be enraged.”
Easily, it can be deduced that iyon ang statement niya sa mga bumabatikos sa kanya at sa kanyang president-brother. Very subtle ang ginagawa niyang pagtataray, ‘no?
Anyway, mukhang nawala sa kanyang wisyo itong si Kris when she unfollowed her friends Regine Velasquez and Ogie Alcasid sa social media all because they posted sentiments na medyo may pagbatikos kay P-Noy.
Na-hurt nang husto si Kris and she decided to unfollow them, not realizing that by doing so ay nagmukha siyang walang utang na loob. Libre ang serbisyong ibinigay nina Regine at Ogie nang ikampanya nila si P-Noy, hindi ba naisip ‘yong ni Kris?
Actually, nag-sorry na si Kris kina Ogie and Regine at pina-follow na niya uli ang mga ito sa Twitter and Instagram but the harm has been done. Bumaho nang husto ang image ni Kris, nagmukha itong IMBURNAL!!!
Netizens abhor Kris nowadays. Sabi nga ng ilang inis na inis sa TV host, tiyak na maaapektuhan din ang rating ng morning show niya dahil negang-nega ang dating niya ngayon dahil sa kakagawan ng kanyang kuyang pangulo.
May isa namang matapang na netizen na talagang nilektyuran si Kris.“Kung hindi ka ba naman tanga at epal, sana tumahimik ka na lang at nagpost ng sentiments na nakikiisa ka sa pagdadalamhati ng mga nasawing sundalo dahil sa kuya mong walang kwenta.
Sabi mo matalino ka? Asan ang talino mo ngayon? May PhD ka sa plastikan di ba? “Alam na alam ni Ai Ai (delas Alas), ni Kim Chiu at Juday (Judy Ann Santos) yan.
Gaano ba kahirap magpost ng, ‘our sympathies and prayers go to the victims and their bereaved families’…instead of posting stupid selfies. Napahiya ka when someone pointed out na insensitive ka, because TRUTH HURTS.
“Pumunta ka sa lamay not because you felt for the orphaned children and widows but to score political points. Ni hindi mo nakuhang mag post about it afterwards, hindi kailangan selfie noh!
O baka naman wala ka talagang naramdaman na awa for those poor humble families dahil ang puso mo doon lang sa puede mong pagkakitaan at magamit for your family’s personal glory? Tama o mali?
“Naman Kris, mag sorry kayo sa buong pilipinas. Hindi ka cut above the rest. You are no better than the poor prosti walking along makati avenue.
Tao ka lang, sana gamitin ninyo ang position ninyo para makatulong sa sinasakupan ninyo! Ang hambog mo Day!” said one irate guy. Very well said!!! May comment ka ba sa litanyang ito, Kris?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.