Sey mo Luis...Angel nagluluksa pa rin sa pagkamatay ni Miko Sotto | Bandera

Sey mo Luis…Angel nagluluksa pa rin sa pagkamatay ni Miko Sotto

Reggee Bonoan |December 31,2014
facebook
share this

Sey mo Luis…Angel nagluluksa pa rin sa pagkamatay ni Miko Sotto

Reggee Bonoan - December 31, 2014 - 03:00 AM

angel locsin
HINDI pa rin pala totally nakakalimutan ni Angel Locsin ang unang lalaking nagpatibok ng kanyang puso – ang namayapang anak ni Ali Sotto na si Miko Sotto.

Nag-post kasi si Angel sa kanyang Instagram account hatinggabi ng Martes para sa 11th death anniversary ni Miko.
Sa litratong ipinost ni Angel makikita ang tatlong nakasinding kandila na may caption na hango sa pilantropong si Rose

Kennedy, “It has been said, ‘time heals all wounds.’ I do not agree, the wounds remain, in time, the mind, protecting its sanity, covers them with scar tissue and the pain lessens but it is never gone. Today is the 11th year death-niversary of Miko Sotto, sa mga nakaalala, salamat po.”

Kanya-kanyang komento  ang netizens sa mensahe na ito ni Angel, at ano raw kaya ang magiging reaction dito ng soon to be husband niyang si Luis Manzano?

Sa tingin namin ay hindi ito big issue kay Luis,  unang-una ay wala na si Miko, so ano pa ang dapat ipagselos o ipangamba ng TV host-actor? Nakakatawa naman kung pati patay ay pagseselosan ni Luis.

Tungkol naman sa walang kamatayang tanong sa amin kung totoong babalik ng GMA 7 si Angel ay kami na ang nagsasabing hindi ito totoo – may dalawang pelikulang gagawin si Angel sa Star Cinema na ipalalabas sa Mayo at Disyembre, 2015.

Marahil ay may gumagawa lang ng ingay dahil nga mag-e-expire na ang kontrata ni Angel sa Star Cinema sa Abril, 2015.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending