NASA 18 dayuhang koponan ang nag-apply para sumali sa 6th Le Tour de Filipinas na gagawin mula Pebrero 1 hanggang 4 sa susunod na taon.
Ang natatanging pakarera sa bisikleta na may basbas ng international federation na International Cycling Union (UCI) ay pangungunahan ng mabibigat na delegasyon na TSR Continental Team, TPT Cycling Team, Pishgaman Yazd Pro Cycling Team at Tabriz Shahrdadi Team ng Iran.
Nagpatala rin ang mga koponan ng Team Ukyo at Bridgestone Cycling Team ng Japan at RTS Carbon Team at Attaque Team Gusto ng Taiwan.
Ang iba pang nagpakita ng interes sa apat na araw na karera na inorganisa ng Ube Media at binigyang buhay ni Air21 at PhilCycling chairman Bert Lina ay ang Froy-Bianchi Continental team ng Norway, Team Nove Nordisk ng Estados Unidos, at mga koponan mula Australia na Satalyst Giant Racing Team at Team Vorarlberg.
Idaraos ang edisyon kasabay ng ika-60th taon ng Philippine Tour sa 2015, nais ding lumahok ang CNN Cycling Team at Prince Team ng Brunei, Astana Continental Team ng Kazakhstan, Pegasus Continental Team ng Indonesia, Terengganu Cycling Team ng Malaysia at ang Uzbekistan National Team.
Ang Pilipinas ay kakatawanin ng continental team na 7-Eleven na pangungunahan ng defending general classification champion Mark John Galedo at ang National Training Pool.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.