Huling habilin ni Mark Gil: Isaboy ang abo ko sa beach! | Bandera

Huling habilin ni Mark Gil: Isaboy ang abo ko sa beach!

Ervin Santiago |September 05,2014
facebook
share this

Huling habilin ni Mark Gil: Isaboy ang abo ko sa beach!

Ervin Santiago - September 05, 2014 - 03:00 AM

MARK GIL

Tulad ng inaasahan ng pamilya ni Mark Gil, tila naging isang malaking reunion ang lamay ng aktor sa chapel ng La Salle Greenhills noong Miyerkules ng gabi. Nagdatingan kasi ang napakaraming artista na nakatrabaho at naging kaibigan ni Mark – Raphael John Eigenmann sa tunay na buhay.

At tulad din ng isa sa mga huling habilin ng aktor, sa halip na lamay, isang “happy-happy” get together ang nangyari sa loob ng chapel.

Mismong ang elder brother ni Mark na si Michael de Mesa ang nagsabi na lahat ng request ng kapatid ay sinusunod nila, “Lahat ng ibinilin niya, sinunod namin. “Cremation right away, no wake, no eulogies.”

Araw-araw nasa lamay ang mga anak ni Mark na sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, Andi Eigenmann at Stevie Eigenmann, ang naulila nitong misis na si Maricar, ang mga kapatid na sina Michael at Cherie Gil, pati ang kanyang parents na sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa. Nandu’n din lagi ang mga pamangkin niyang sina Ryan at Geoff Eigenmann.

Ilan sa mga celebrities na nakiramay sa pamilya ni Mark ay sina Dingdong Dantes, Joey Marquez, Tirso Cruz III, Phillip Salvador, Gov. Vilma Santos, Gretchen Barretto, Angel Locsin, Jolina Magdangal at asawang si Mark Escueta, Jaya, Erich Gonzales at marami pang iba.

Ang isa pang kailangang sundin ng pamilya ni Mark sa mga huling habilin nito ay ang pagsasaboy ng bahagi ng kanyang abo sa isang beach sa Bataan. Paborito raw kasi ng aktor ang beach.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending