KC, Paulo matagal nang magdyowa pero bawal umamin | Bandera

KC, Paulo matagal nang magdyowa pero bawal umamin

Ambet Nabus - July 17, 2014 - 03:00 AM


Nakakatuwa naman si KC Concepcion sa mga nabasa naming social media posts nito after nga niyang manalo bilang FAMAS Best Actress for “Boy Golden”.

Talagang inihandog niya ang naturang victory sa kanyang “mamita” (Lola Elaine Cuneta) at sa isang photo nga ay nakita naming tila may sakit ang butihing nanay ni Megastar Sharon Cuneta habang hawak-hawak ang tropeyo ng apo.

Doon din namin napag-alaman na malungkot o nalulungkot daw pala itong lola niya kapag hindi nito napapanood ang apo sa mga shows nito sa TV.

Sinabi pa ng dalaga na ang lola niya ang isa sa mga big reasons kung bakit nasa showbiz siya ngayon kaya’t sobrang sweet daw ng pagkakapanalo niya sa FAMAS.

Balitang sa book 2 ng Ikaw Lamang ay papasok ang karakter ni KC bilang panggulo kina Kim Chiu at Coco Martin. Bahagi nga ang naturang soap ng panibagong kontratang pinirmahan ni KC sa ABS-CBN.

Timing naman na sa kanyang pagbabalik ay patapos na ang Dyesebel, ang proyektong sinasabing ipinangako sa kanya subalit kay Anne Curtis nga napunta. May tsika ring maaliwalas ang puso ngayon ni KC dahil kay Paulo Avelino.

May mga reports pa ngang nagsasabi na matagal nang sinagot ni KC ang binata at inililihim lang nila ang kanilang relasyon para sabikin ang mga tao.

Basta here’s congratulating KC for winning the best actress award sa FAMAS, na sa totoo ay muntik na naming makalimutan na meron pa palang ganitong award-giving body. Ha-hahaha!

( Photo credit to kc concepcion official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending