'Cluadine, Maegan ang sarap pag-untugin ng ulo!' | Bandera

‘Cluadine, Maegan ang sarap pag-untugin ng ulo!’

Cristy Fermin - May 26, 2014 - 03:00 AM


May humahamon na sa kampeon! Ganu’n ang naging tuksuhan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz, may humahamon na raw sa pamilya Barretto sa pagbabatuhan nila ng mga baho nila sa publiko, ang sinasabi nilang challenger ay ang pamilya Aguilar.

Ganu’ng ganu’n din kasi ang takbo ng kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng mag-amang Freddie at Maegan Aguilar, away-pangpamilya rin, pukulan din sila nang pukulan ng mga negatibong salita sa harap mismo ng taumbayan.

‘Yun ang mga bagay-bagay na hindi na dapat pang ipinaaalam sa publiko at nireresolbahan na lang sana sa apat na sulok ng kanilang tahanan at inaayos sa matahimik na paraan.

Pero hindi nga ganu’n ang nangyayari ngayon dahil pati ang kaliit-liitang baho ng kanilang pamilya ay nalalantad na.
“At si Claudine Barretto ang peg ni Maegan! Silang dalawa ang super-nega sa tele-seryeng ito ng buhay nila!

Napakasarap pag-untugin ng dalawang hitad na ‘yun!” natatawang komento ng isang reporter na nasa umpukan. Kung kailan huhupa ang bagyo sa gitna ng dalawang pamilyang ito ay tanging sila lang ang nakakaalam.

Nakakalungkot lang na pati ang mga baho ng kanilang pamilya ay napasok na ng publiko ngayon, wala na silang maitatago, nakakahiya ang kanilang mga pinaggagagawa.

“Mismo!” nagmamaasim pang komento ng aming kaharap.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending