Magsasarang kompanya dapat magbayad ng separation pay
MAY gusto po sana akong itanong tungkol sa employer ko na isang Singaporean national dahil sinasabi niya po sa amin na posibleng magsara na ang aming kumpanya gayung sa pagkakaalam ko ay kumikita naman ito.
Hindi po ba gawa-gawa niya lamang ito para tanggalin niya kaming lahat sa trabaho at saka magbubukas ng panibagong negosyo na tulad din ng kanyang negosyo sa ngayon?
Osang
REPLY: Para saiyo Osang, hindi maaaring basta na lamang ipasasara ng iyong employer ang iyong pinagtatrabahuan. Ang pagsasara ng kumpanya ay may sinusunod na proseso.
Kung hindi susunod ang iyong employer sa proseso, maaari siyang maharap sa iba’t ibang mga kaso, at ang mga paglabag na ito ay may kaakibat na parusa, base na rin sa Batas sa Paggawa.
Ang iyong kumpanya o employer ay kinakailangang magpadala ng notice sa Department of Labor and Employment para sa pagsasara ng kanyang kumpanya.
Kinakailangan din na ilagay kung ilan ang maaapektuhan na mga empleyado.
Entitled ang mga empleyado sa separation pay na dapat niyang bayaran.
Ang separation pay ay ibinibigay sa mga empleyado alinsunod na rin sa Articles 297 at 298(formerly articles 283 and 284) ng Labor Code of the Philippines.
Ang komputasyon ng separation pay ng isang empleyado ay depende sa latest salary rate nito. Sa pagtutuos ng bayad sa paghihiwalay sa trabaho, kinakailangang kasama ang allowance sa basic salary (The salary base properly used in computing the separation pay should include not just the basic salary but also the regular allowances’ that an employee has been receiving).
Kung hindi tatalima dito ang iyong employer, agad na magtungo sa DOLE field office para isumbong /ireklamo ang iyong kumpanya.
Nicon Fameronag
Director,
DOLE Spokesperson
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.