Phoemela Barranda nabayaran na ni ‘bunganga’; Walang naniniwala | Bandera

Phoemela Barranda nabayaran na ni ‘bunganga’; Walang naniniwala

Alex Brosas - December 06, 2013 - 03:00 AM

ANNE CURTIS AT PHOEMELA BARRANDA

NAG-DENY na si Phoemela Barranda na tinarayan siya ni Anne Curtis during a party at Prive sa The Fort.

“She never expressed any anger towards me. She did not point her finger at me nor did she dismiss my presence. She also did not say the infamous line ‘I can buy you, your friends and this club!”

‘Yan ang naka-post na mensahe ni Phoemela sa kanyang Instagram account. Ang say pa ng model-TV host, wala silang “ill feelings” ni Anne at naka-move on na siya sa issue.

Sa interview naman niya sa TV Patrol sinabi niyang, “Hindi niya sa akin sinabi ‘yon, walang…walang ganoon na nangyari o sinabi si Anne, and hindi niya rin ako dinuro. She wasn’t angry at me, she didn’t call me names, walang ganu’ng pangyayari. I mean, she said something to me because galit na nga siya, but I think sa ibang individuals doon.”

Although she came to defend Anne, tila wala namang naniniwala sa kanya. Many in social media thought na nabili na nga siya ni Anne.

“So Anne really buy Phoem for clearing everything? Tama naman pla si Anne. Nabili din kya nya friends ni phoem at ang club? Not bad to clear what really happened during the incident, it’s just that it’s too late,” sey ng isang guy.

More blatant, one asked, “Magkano ang ibinayad ni Anne para manahimik si Phoem at linisan ang pangalan ni Bunganga?”

“I honestly think na kayang sabihin ni Bunganga yun. Hindi siya Santa para pagdudahan ang katotohanan,” one fan believed.
“And do you really think phoem is really telling the truth? Anak nya nga kaya nyang ilihim ito pa kaya. Pera pera lang yan sa showbiz!” mataray na comment ng isa pa.

Actually, kinukuwestiyon nila ang late na reaction ni Phoem. Kung noong una pa lang pumutok ang balita ay nagsalita na agad siya ay baka naniwala pa sila. That said, parang sinabi na rin nilang sinungaling si Phoem, ‘di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending