Carlos, Chloe magka-‘live in’ na, balak magpakasal sa taong 2025?
SINAGOT na ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang tanong ng marami kaugnay sa pagpapakasal nila ng girlfriend na si Chloe San Jose.
Ayon kay Carlos, plano na niyang pakasalanan si Chloe next year!
Bukod diyan, nabanggit na rin niya na nais nilang magkaroon ng anak pagkatapos niyang mag-compete sa 2028 LA Olympics.
“Maybe next year and have children maybe after I compete in LA (for the 2028 Olympics). We want to get married next year,” sey ng Olympic champion nang makapanayam ng isang media outlet sa isang event sa BGC.
Kasunod niyan, ibinunyag din ng couple na nagsimula na silang mag-live in nang i-turnover sa kanila ang ibinigay na P32-million fully furnished three-bedroom condominium na nasa McKinley Hill.
Baka Bet Mo: Chloe San Jose biktima ng domestic violence kaya nilayasan ang pamilya
Kung matatandaan, isa lamang ito sa mga “reward” ni Carlos bilang nagbigay siya ng karangalan sa bansa matapos manalo ng dalawang gintong medalya sa Olympics.
Inamin din ng Olympian na ilang araw silang nag-adjust sa bagong bahay nila ni Chloe sa Taguig.
“Namahay po ako. Pero ang ganda-ganda po,” wika niya sa nasabing panayam.
Magugunitang last month lamang nang ibandera ni Chloe ang naging sorpresa sa kanya ni Carlos bilang pagdiriwang ng kanilang ika-52nd monthsary.
Bukod sa bouquet of flowers, may love letter ding ibinigay ang Olympic hero para sa vlogger.
Sa sulat, mababasa na very thankful ang gymnast sa pagiging supportive ni Chloe sa kanya.
Pero ang naging agaw-pansin ay ‘yung inilahad ni Carlos na excited na siyang maging asawa at daddy.
“We did it mahal ko! Now let’s focus on our next goals! At siyempre, excited na ko maging daddy at asawa hehe,” ang sabi ni Carlos sa kanyang liham.
At dahil diyan, maraming netizens ang nag-react sa love letter at pinagkaguluhan kung kailan na nga ba ikakasal ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.