Chloe San Jose biktima ng domestic violence kaya nilayasan ang pamilya
SA edad na 18 ay nagdesisyon ang content creator na si Chloe San Jose na lumayas sa kanilang bahay dahil toxic na raw ang pananatili niya roon.
Nakaranas daw ng domestic violence ang girlfriend ni Carlos Yulo sa loob mismo ng kanilang tahanan na nagdulplotcsa kanya ng matinding trauma.
Bata pa lang daw siya ay grabe na ang inaaboy niyang physical at verbal abuse mula sa ilang miyembro ng pamilya na nakaapekto sa kanyang mental health.
Baka Bet Mo: Chloe San Jose ibinuking pamilya ni Carlos, ayaw daw makipag-ayos
Sa latest interview ni Toni Gonzaga kay Chloe para sa kanyang YouTube channel na “Toni Talks”, ibinahagi ng dyowa ni Caloy ang ilang detalye tungkol sa kanyang kabataan.
View this post on Instagram
“I experienced po domestic violence. Kaya po noong 16, gusto ko na talagang umalis po. Pero since minor po ako, I couldn’t.
“So, naghintay pa po ako ng two years mag-18 para po makaalis po ko,” ang pagbabahagi ng dalaga sa naturang panayam.
Nang mag-high school daw siya sa Australia, ginawa Chloe ang lahat para makaiwas sa pamilya. Halos lahat ng extra-curricular activities sa school ay sinalihan kahit pa nangyayari ito tuwing weekends.
Ayon pa sa vlogger, nagdesisyon siyang umalis sa kanilang bahay habang kumakain sila ng kanyang magulang at kapatid. Nag-away sila ng kanyang nanay hanggang sa tuluyan na siyang sumabog.
Sa isang kaibigan pansamantalang nanirahan si Chloe at nagpapasalamat siya dahil tinanggap siya ng pamilya nito at itinuring na ring parang pamilya. Tinulungan din siya ng kumupkop sa kanya para makatapos ng pag-aaral.
View this post on Instagram
Sey pa ng dalaga, may pagkakataon naman na nag-effort siya para magkaayos sila ng kanyang nanay pero sa bawat pag-uusap ay palagi na lang itong nauuwi sa bangayan kaya mas lalo lang lumalalim ang galit nila sa isa’t isa.
“Nagkausap naman po kami, nag-try, pero hindi po talaga nag-work. Parang 2020 din nag-try kami mag-usap po pero parang nakikita ko pong pattern ganoon pa rin po.
“Like, magiging okay siya for the first one to two weeks po tapos, babalik ang pattern namin na (nag-aaway) po kami. So then, sabi ko, ‘Hindi na talaga healthy, I have to parang remove myself from this environment po,'” esplika niya.
Nang maka-graduate siya ng high school at nagkaroon ng pagkakataon, kumuha na ng sariling matutuluyan si Chloe at kinuha na rin ang kanyang kapatid tulad ng ipinangako niya.
Sey pa ng girlfriend ni Caloy, “Kaya po siguro iyon nami-misunderstood ‘yung tapang ko po kasi nga po they don’t know naman what happened sa early childhood ko po.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.