Chloe ibinuking pamilya ni Carlos, ayaw daw makipag-ayos

Chloe San Jose ibinuking pamilya ni Carlos, ayaw daw makipag-ayos

Ervin Santiago - September 22, 2024 - 02:36 PM

Chloe San Jose ibinuking pamilya ni Carlos, ayaw daw makipag-ayos

Carlos Yulo, Chloe San Jose, Angelica Yulo at Mark Andrew Yulo

ISA-ISANG nireplayan ng dyowa ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang mga comments ng netizens sa isa niyang Facebook post recently.

After ng kanilang Paris trip, nagpapakaligaya naman ngayon sa South Korea ang controversial couple at feeling “unbothered” pa rin sa mga hate and mean comments laban sa kanila sa social media.

Nag-post uli si Chloe sa FB ng sweet photo nila ni Carlos na kuha sa Lotte World, isa sa mga sikat na recreation complex sa Seoul.

Sey ni Chloe sa caption, “Dear Seoul, you had us at annyeonghaseyo.”

Baka Bet Mo: Carlos, Andrea bagay daw, Chloe barag na naman: Patay kang bata ka!

Sa comments section, ipinost ng isang FB user ang umano’y quote raw mula sa isang interview ng girlfriend ni Caloy. Ang nakasaad sa naturang quote, “Gustong-gusto ko pong mawala na ang ‘utang na loob’ culture dito sa Pilipinas dahil sobrang toxic po nito.

“Hindi po porket ipinagbuntis ka ng 9 na months, pinakain, pinagaral, at pinagtapos ay obligasyon mo na agad tumanaw ng utang na loob sa parents mo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Responsibilidad po ng mga magulang ito. May sariling buhay po ang anak at dapat hayaan siyang magbuo ng sarili niyang future nang hindi na kayo nakikialam. Ganito po ang kinalakihan ko sa Australia at sana maging normal na rin ito dito sa Pinas.”

Ang sabi ng netizen kay Chloe, “Sabihin mo yan sa magiging anak mo in the future ha! Hahaha!”

Sinupalpal naman ng dalaga ang nagkomentong netizen at ipinamukha sa kanya na fake ang naturang quote, “Eh? Hindi ko naman sinabi yarn?? Fake news believer.”

Sinundan naman ito ng comment ng isa pang netizen na nagsabing baka raw ginayuma niya si Carlos, “Paano kaya kung walang pera si caloy? Ginayoma na masyado ng chloe.

“Iba na talaga pag may pera na, tinalikuran na ang pamilya nya.kahit man siguro may alitan, hindi pagkakaunawaan sa knila.

“Family is family pa rin.kahit yata isang andoks letchon hindi pa naitreat ang fmily sorry to say pero matuto tayo lumingon sa pinanggalingan.kahit gaano man kasama ang ginawa ng magulang mo sau.still give them.respect..treat them kahit simple lang.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Cool na cool ba resbak ni Chloe, “Okaaayyddtt toxic behaviour enjoyer—ikaw na lang, kaya mo na yan auntie! Gow gow gow!”

Inakusahan din siya ng basher ng, “D ka naman nahihiya ikaw yung nag papakasasa sa pera ni caloy ang japal din ng muka mo no kasing kapal ng hallow blocks.”

Hindi rin ito pinalampas ni Chloe at sinagot ang hater ng, “Gawain mo siguro yan, mag pakasasa sa pera ng iba… ganyan talaga siguro mag salita yung mga people who don’t know how to earn their own money and ginagamit ibang tao as investment for their own leisure.”

Samantala, may FB follower naman si Chloe na naniniwalang darating din ang panahon na magkakasundo rin sina Carlos at mga parents niyang sina Mark Andrew Yulo at Angelica Yulo.

“Try to reunite and compromise with Caloy’s family. Chloe Anjeleigh San Jose you both will be blessed more,” payo ng isang netizen.

Ang makahulugang sagot sa kanya ni Chloe, “Reunion and compromise isn’t going to happen when the other party’s not willing to do so too.”

Oh well, abangers pa rin ang mga supporters ni Caloy na darating din ang tamang panahon para magkaayus-ayos sila ng kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sabi nga ng ilang netizens, mangyayari lamang daw ito kapag wala na sa buhay ng Pinoy Olympian si Chloe. Agree ba kayo, mga ka-BANDERA?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending