Chloe San Jose pinaratangang may anak, sinupalpal ang netizen

Chloe San Jose pinaratangang may anak, sinupalpal ang netizen

Therese Arceo - September 07, 2024 - 07:43 PM

Chloe San Jose pinaratangang may anak, sinupalpal ang netizen

KUMAKALAT ngayon sa social media ang panibagong chika patungkol sa girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose na diumano’y may anak na raw.

Isang netizen ang nag-comment sa kanyang post kung saan inaakusahan siya na mayroon na siyang anak sa pagkadalaga.

Hindi naman pinalagpas ni Chloe ang naturang komento at sinagot ang netizen.

Pero imbes na diretsahang itanggi ng dalaga ang chika ay hinamon pa niya ang netizen.

Baka Bet Mo: Chloe, Carlos nag-sorry na noon kay Angelica, ilang beses sinuyo pero anyare?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Bigyan kita ng award pag nahanap mo yung anak ko na sinasabi mo,” reply ni Chloe.

Deleted na ang komento ng netizen kaya naman hindi matukoy kung ano nga ba ang eksaktong sinabi nito.

Sa kabila nito ay umani na ng samu’t saring reaksyon ang naturang sagot ni Chloe sa netizen.

Mukhang hindi pa rin natatapos ang mga chika na umiikot sa pagitan ni Carlos, kanyang dyowa, at nn buong pamilya Yulo.

Nagsimulang maglabasan ang isyu ng pamilya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo nang mamataan ng netizens ang shared post ng kanyang ina na si Angelica Yulo na pumupuri sa bansang Japan.

Magmula noon ay hindi na natapos ang isyu sa pagitan ng dalawang kampo at ang huli nga ay ang sagot ni Chloe sa diumano’y pambabastos raw niya sa ina ng karelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending