Marian sa muling pagbubuntis: Mag-focus muna ako sa 2 anak ko

Marian sa muling pagbubuntis: Gusto ko munang mag-focus kina Zia at Sixto

Ervin Santiago - October 07, 2024 - 12:25 AM

Marian sa muling pagbubuntis: Gusto ko munang mag-focus kina Zia at Sixto

Marian Rivera at Dingdong Dantes kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto Dantes

MAS gusto munang pagtuunan ng panahon at atensiyon ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang dalawang anak bago sana mabuntis uli.

Kahit na busy uli si Marian sa pagtatrabaho sa entertainment industry, sinisiguro pa rin niya na napaglalaanan niya ng sapat na oras at tamang pag-aalaga ang mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto.

In fairness, matapos mamahinga ng ilang taon sa showbiz, bonggang-bongga naman ang kanyang comeback dahil talaga namang tuluy-tuloy ang paggawa niya ng mga projects mula pa noong nagdaang taon hanggang ngayong 2024.

Baka Bet Mo: Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin

Ngunit sabi nga ni Yanyan, kahit na punumpuno siya ng trabaho this year ay sinisiguro pa rin niya na sapat ang oras na inilalaan niya para sa dalawang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Kaya naman sa panayam ng “Unang Hirit” kay Marian ay natanong uli siya kung handa na sila ni Dong para sa kanilang 3rd baby.

Sabi ni Marian, halos lahat daw ng nakakausap at nakakakuwentuhan niya ay nagsasabing dagdagan pa nila ni Dong ang kanilang mga anak dahil napakaganda naman talaga ng kanilang lahi at kayang-kaya nilang buhayin at bigyan ng magandang kinabukasan ang mga ito.

“Kung ibibigay, okay, pero sa totoo lang gusto ko mag-focus doon sa dalawa,” ani Marian na ang tinutukoy nga ay sina Zia na 8-years-old na ngayon at si Sixto na limang taong gulang na.

Pahayag pa ng 7th The EDDYS Box-Office Star, “Madali naman mag-anak eh, ang tanong is paano mo papahalagaan o bibigyan ng importansya at palalakihin nang maayos ang mga anak mo.

“Gusto ko mag-focus doon. Ang hirap, eh. Pero enjoy ako. Kung papalarin, why not?

“Pero sa dalawang ‘yan, super blessed and happy na ako,” esplika pa ni Yanyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Marian last year ay  natanong din siya kung handa na ba sila ni Dingdong na magkaroon ng ikatlong anak.

Sagot ng aktres, “Minsan talagang susubukan ka rin at sasabihin talaga ng Panginoon na siya talaga ang pinakamakapangyarihan kahit anong plano mo kung hindi ibibigay sa ‘yo, hindi.

“So kung anong plano ni Lord para sa amin kung bigyan kami ng pangatlong pagkakataon why not hindi ba?

“Pero kung hindi, hindi na masama Tito Boy, meron akong Sixto ay Zia na super happy naman namin,” sey pa ni Marian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Marian at Dingdong noong 2014. Isinilang si Zia noong 2015, habang winelkam naman nila si Sixto noong 2019.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending