SV walang isyu kay Isko kahit maglaban sa Eleksyon 2025

SV walang isyu kay Isko kahit maglaban sa Eleksyon 2025 sa Maynila

Ervin Santiago - September 30, 2024 - 12:05 AM

SV walang isyu kay Isko kahit maglaban sa Eleksyon 2025 sa Maynila

Isko Moreno, Sam Verzosa at Rhian Ramos

AYAW sabihin ni Tutok To Win Partylist Representative Sam Verzosa na babanggain niya si Isko Moreno sa darating na Eleksyon 2025.

Ibinandera na ng kongresista at host ng public service program na “Dear SV” ang pagtakbo niya bilang mayor ng Manila at posible ngang makalaban niya si Yorme next year.

Wala raw silang issue ng dating alkalde ng Maynila, sa katunayan, ilang beses na rin silang nagkita at nagkasama sa ilang events kaya marami na raw silang litrato together.

Para kay SV, pareho lamang sila ng adhikain ni Isko, ang makatulong sa kanilang mga kababayan at maiahon ang mga ito sa kahirapan.

Baka Bet Mo: Rhian Ramos sinorpresa si Sam Verzosa sa 1st anniversary ng ‘Dear SV’

“Ilang beses na rin kaming magkasabay mga awards night. Minsan sabay kaming naparangalan noong naging mayor siya. Nagkasabay din kami noong nagtayo ako ng eskwela sa Maynila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SV (@samverzosa)


“May mga itinayo akong eskwela para sa mga kabataan noong pandemic, pumunta siya. May picture kami na magkasama kami ni Isko.

“Masaya ako na nakilala ko siya. Ako naman ay panibagong pagtulong ito. Ang tawag dito ay malawakang pagtulong. Wala tayong ibang gagawin kundi puro kabutihan,” paliwanag ng boyfriend ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Nauna nang sinabi ni Sam na never niyang gagamitin ang relasyon nila ni Rhian para makakuha ng boto mula sa mga Manileño.

Pero nagpapasalamat siya na kusang tumutulong si Rhian para makatuwang niya sa paghahatid ng tulong hindi lang sa mga taga-Maynila kundi para na rin sa iba pa nating kababayan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

“Naging congressman ako tapos ngayon, nakakapagsilbi pa ako sa buong Pilipinas. Nagpunta na ako sa iba’t ibang bansa, nagbukas ng iba’t ibang negosyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SV (@samverzosa)


“More than 20 years na po tayong nasa negosyo. Sabi ko nga, nakapunta na ako sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas,

“Nagkaroon ng mga ganitong klaseng international companies so wala na akong mahihiling pa. I am just grateful. Hindi ko naman pinapapunta sa ulo ko. Ang nasa utak ko lang, kailangan i-share ko ito sa mas marami.

“To whom is much given much is expected so talagang ibinibigay ko yan, una, sa pamilya ko, sa mga kamag-anak, sa mga humihingi ng tulong, sa mga kapitbahay, hanggang sa mga kasama sa kumpanya.

“Hanggang mapunta sa iba’t ibang mga nangangailangan sa ospital, simbahan, lahat ng charities halos sa Pilipinas, naging partner na namin. Hanggang sa charities sa animals,” sabi ni SV.

Dagdag pa niya, “Dito ko naisip na, it’s not just about charity and giving but inspiring and teaching. That’s the formula I know to succeed, which is as simple as paying it forward.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maging mabait ka sa kapwa mo, tumulong ka kapag kaya mo, at magugulat ka na lang sa huli, bumabalik sa iyo yun ng ten folds,” paalala pa ni Sam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending