Rhian Ramos sinorpresa si Sam Verzosa sa 1st anniversary ng ‘Dear SV’
PEBRERO 6 ay nagtala ng espesyal na yugto para kay Sam “SV” Verzosa habang ipinagdiriwang ang unang taon ng kanyang programang “Dear SV.”
Nakuha agad ng programa ang puso ng mga manonood, na unang ipinalabas sa CNN, sa pamamagitan ng mga nakaka-inspire na kwento ng kababayan nating salat sa buhay pero patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.
Baka Bet Mo: Sam Verzosa 15 taon nang namamanata sa Nazareno, muling sumampa sa Andas
“Iba po itong programa natin dahil tumutulong po tayo sa mga taong gustong tulungan ang kanilang sarili,” paliwanag ni SV.
View this post on Instagram
Upang gawing mas memorable ang episode ng anibersaryo, nagbigay-sorpresa si Rhian Ramos, ang kasintahan ni SV, sa pagiging host ng episode. Ang hindi inaasahang pangyayari ay nakadagdag ng kakaiba at personal na damdamin sa pagdiriwang.
Sa buong episode, ang mga indibidwal na natulungang mabago ang buhay ni SV ay nagbahagi ng kanilang taos-pusong papuri at pasasalamat sa pamamagitan ng mga nakaka touch na video messages.
Baka Bet Mo: Ruru kay Kylie: Sobrang espesyal mo sa akin, malaking factor ka sa buhay ko…
Hindi napigilang tumulo ang luha ni SV habang nakatutok sa mga emosyonal na testimonial, na nagpapatibay sa positibong epekto na naidulot ng “Dear SV” sa ating mga kababayan sa loob ng isang taon.
Ang “Dear SV” ay magpapatuloy na tumulong at bumabo ng buhay ng mga kababayan natin, nananatiling tapat si Sam “SV” Verzosa sa paglikha ng programa na magbibigay inspirasyon at pagasa sa mga tao.
Ang pagdiriwang ng unang anibersaryo ay naglalarawan hindi lamang ng tagumpay ng programa kundi pati na rin ng tunay na mga koneksyon na nabuo sa pamamagitan ng kabutihan at sinseridad ni SV.
“Mas lalo pang lumalim ang dahilan ko para ipagpatuloy ang Dear SV. Magandang regalo sa akin ito hindi lang dahil nandito si Rhian kundi pati na din sa mga taong natulungan natin.
“Tunay na nakakataba ng puso na makita silang umaahon at patuloy na lumalaban sa buhay dahil lang sa munting tulong na naibigay ko,” mensahe pa niya.
Ang “Dear SV” ay mapapanuod tuwing Sabado 11:30pm sa GMA 7 at Online sa GMA Network youtube channel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.