Ruru kay Kylie: Sobrang espesyal mo sa akin, malaking factor ka sa buhay ko... Bandera

Ruru kay Kylie: Sobrang espesyal mo sa akin, malaking factor ka sa buhay ko…

Ervin Santiago |February 06,2022
share this

Ruru kay Kylie: Sobrang espesyal mo sa akin, malaking factor ka sa buhay ko…

Ervin Santiago - February 06, 2022 - 09:39 AM

Kylie Padilla at Ruru Madrid

BAKIT nga ba super espesyal ang  Kapuso actress at celebrity mommy na si Kylie Padilla sa buhay ni hunk actor Ruru Madrid?

Inisa-isa ng Kapuso star ang mga rason kung bakit napalapit sa kanya si Kylie at kung paano nila napanatili ang kanilang solid na friendship sa loob ng nahabang panahon.

Sa second episode ng “What #RU made of?” vlog series ni Ruru, ipinaliwanag ng aktor kung bakit espesyal ang turing niya kay Kylie hanggang ngayon kahit na nga medyo matagal-tagal silang hindi nagkita at nagkasama.

“Sobrang espesyal mo sa akin. Malaking factor ka sa buhay ko. And I guessed ganoon ako sa ‘yo.

“Anytime na kailanganin mo ako, I’m just a call away, i-message mo lang ako, anytime nandiyan agad ako,” ang pahayag ng aktor sa kanyang latest YouTube vlog.

Aniya pa, “Ganoon ko pinapahalagahan ‘yung naging relationship natin. And I guess ayon ‘yung naging advantage natin.”


Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan nang magkasama at magtambal sa Kapuso primetime series na “Encantadia” ilang taon na ang nakararaan pero hindi raw sila umabot sa pagiging magdyowa.

“Aminado ako na kapag mayroon akong mga leading ladies sometimes kung saan-saan napupunta. 

“Pero sa ating dalawa hindi tayo umabot sa ganu’n. Wala tayong ganu’n and ‘yun siguro ‘yung naging advantage natin na mas nauna ‘yung pagiging professional and then eventually lumalabas ‘yung pagkakaibigan,” chika pa ni Ruru.

At mas lalo pa raw lumalim ang kanilang friendship nang muling magtambal sa weekend anthology series ng GMA na “Regal Studios Presents: My Fairytale Hero” na ipinalabas last month.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ni Kylie ang bago niyang primetime series sa GMA, ang “Bolera” kung saan gaganap siya bilang isang billiard prodigy.

Kamakailan naman ay sumabak na uli si Ruru sa lock-in taping ng Kapuso action-drama series na “Lolong” na aniya’y tatagal ng 45 days.

Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

Ruru mas napalapit pa ngayon kay Kylie: Parang hindi kami nawalay sa isa’t isa…

Ruffa happy sa ‘renewed friendship’ kay Gretchen; dyowa nga ba talaga si Herbert?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending