Enzo Almario sa sexual abuse victims: Speak up and free yourself!

Enzo Almario sa mga biktima ng pang-aabuso: Speak up and free yourself!

Pauline del Rosario - September 14, 2024 - 10:51 AM

Enzo Almario sa mga biktima ng pang-aabuso: Speak up and free yourself!

PHOTO: Facebook/Enzo Almario

Trigger warning: mentions of rape, sexual abuse and harassment.

UMAASA ang singer na si Enzo Almario na mas maraming biktima ang maglalantad sa publiko, lalo na ‘yung mga artistang inabuso ni Danny Tan.

Ito ay matapos siyang umamin sa pamamagitan ng YouTube vlog ng kapwa-singer na si Gerald Santos na naunang nagbunyag na siya ay ni-rape at pinagsamantalahan ng dating musical director.

Sa Facebook, inihayag muna ni Enzo ang kanyang paumanhin dahil hindi niya pa masagot ang mga nagme-message sa kanya.

“To everyone messaging me, I don’t mean to be rude, but right now, I’m struggling to find the right words or feelings to respond,” sey niya sa post.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz knows kung ano ang ginawa ni Danny Tan kay Gerald Santos?

Patuloy niya, “I’m also in an indescribably uneasy place after writing down everything that happened, from start to finish.”

“Reliving those moments feels like I’m back in that powerless, deceived state, and with the understanding I have now, it’s impossible not to get emotional,” wika pa niya.

Kasunod niyan ay nanawagan na siya sa mga mga biktima ng sexual harassment o rape na magsalita na at lumaban.

“To anyone else who was a victim of this person, speak up and free yourself. This wasn’t our fault; HE TOOK ADVANTAGE OF OUR INNOCENCE,” sambit ni Enzo.

Aniya pa, “I sincerely hope to get justice, not just for ourselves, but for the potential victims he may be targeting and everyone he already preyed on.”

Sa comment section, maraming netizens ang nagpaabot ng dasal at suporta na makuha na ang hustisya na kanilang inaasam.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Thank you for your bravery! You’re doing the right thing and are saving other kids from getting abused. I hope you, Gerald, Ahron, and Sandro get the peace and justice you deserve [folded hands emoji].”

“I love you nakshie ko Enzo Almario support lang nakshie dito lang ako sending love and hugs”

“Sending hugs Enzo di ko akalain na victim ka din as I watched the video dalawa kayo doon na boy kid sa sugar pop. Andito kami sa likod niyo thanks for speaking up and also Gerald Santos.”

“LABAN KUYA!!! ANDITO KAME FOR YOU.”

“We love you Enzo. We will support you in this battle. Hugs”

Magugunita noong September 12 nang ibandera ni Gerald sa YouTube ang tungkol sa nangyari kay Enzo.

Ayon sa kwento ni Gerald, nag-message sa kanya si Enzo matapos ang kanyang paglantad sa Senado tungkol naranasang pangre-rape sa kanya ni Danny.

Kung si Gerald ay nasa edad 15 noon, si Enzo ay mas bata nang pinagsamantalahan na nasa edad 12 lamang.

“Grabe po! Yung kanya po, nangyari, noong 2008. And he was only 12 years old, guys! At nakausap ko rin po mismo yung kanyang tatay. Nag-message din po sa akin nang kusa nung ako po ay lumabas sa senado,” kwento ni Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi lang daw sila ni Enzo ang naging biktima dahil marami pa raw ang mga naabusong bata.

Para sa mga hindi nakakaalam, isa si Enzo sa mga miyembro ng Sugarpop kung saan kasama niya sina Julie Anne San Jose, Vanessa Rangadhol, Pocholo “Cholo” Bismonte, at Rita Daniela na mina-manage ni Danny noong 2006.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending