Enzo Almario umamin, na-rape rin ng umabuso kay Gerald Santos
Trigger Warning: Rape
LUMANTAD na rin ang singer na si Enzo Almario bilang isa sa mga artistang nakaranas ng sekswal na pang-aabuso sa loob ng showbiz.
Ang kanyang pag-amin ay mapapanood sa YouTube vlog ni Gerald Santos na uploaded nitong Huwebes, September 12.
At ang pasabog? Ang itinuturong rapist ni Enzo ay ang siyang umabuso rin kay Gerald na si Danny Tan.
Matatandaang una nang inamin ni Gerald sa publiko na noong 2005 nang ma-rape siya sa edad na 15.
Baka Bet Mo: Proud LGBTQ members Mela Habijan, Enzo Almario maswerte sa mga ama, tanggap agad nang mag-come out
View this post on Instagram
Ayon sa kwento ni Gerald, nag-message sa kanya si Enzo matapos ang kanyang paglantad sa Senado tungkol sa kanya ring rape na naranasan.
“May mga friends din daw siya na apparently naabuso, tapos nung lumabas itong kay Sandro Muhlach, and the nung lumabas din po ako…
“Parang nagkaroon daw po sa kanya ng sign si Lord, ng green light na siya ay lumantad na din. Dahil hindi na rin po makayanan ng kanyang konsensya na parang… hahayaan niya na lang po ba itong mga nangyayaring ganito?” Lahad ni Gerald tungkol sa naging pag-amin ni Enzo.
12 years old lang siya noon nang nangyari ang pag-rape sa kanya ng musical director.
Para sa mga hindi nakakaalam, isa si Enzo sa mga miyembro ng Sugarpop kung saan kasama niya sina Julie Anne San Jose, Vanessa Rangadhol, Pocholo “Cholo” Bismonte, at Rita Daniela na mina-manage ni Danny Tan noong 2006.
“Grabe po! Yung kanya po, nangyari, noong 2008. And he was only 12 years old, guys! At nakausap ko rin po mismo yung kanyang tatay. Nag-message din po sa akin nang kusa nung ako po ay lumabas sa senado,” pagpapatuloy ni Gerald.
Hindi lang daw sila ni Enzo ang naging biktima dahil marami pa raw ang mga nabiktima nitong bata.
“Hindi ko po ma-explain yung mararamdaman ko. Hindi ko po… halu-halo yung aking nararamdaman na galit, sakit, nadudurog po ang aking puso, lalo na po nung kinuwento sa akin yung ginawa po sa kanya [Enzo].
“Hindi na rin po niya makayanan, e. Kasi, parang hindi po dapat maging normal lamang ito. Hindi dapat maging normal na parang pag inabuso ka, hahayaan mo na lang. Grabe po! Labindalawang taong gulang, gagawan mo ng ganitong klaseng bagay,” umiiling na sabi pa ni Gerald.
Kalaunan ay inilabas nito ang clip kung saan kasama ni si Enzo at si Atty. Biboy Malaya.
“I’m super thankful kay Kuya Gerald for having this courage na mag-talk about this. And nagkaroon kasi ako ng lakas din ng loob para i-share din yung experience ko, yung madilim na experience na ito.
“Para din matuldukan na yung trauma na na-experience natin, so, kaya maraming salamat, Kuya Gerald and Attorney for this,” saad ni Enzo.
Magtutulungan ang dalawang singer para sa posibilidad na kasong pwede nilang isampa laban kay Danny Tan sa tulong ng kanilang abogado.
Samantala, nag-post rin si Enzo ng kanyang mensahe matapos ang paglabas ng kanyang pag-amin sa YouTube channel ni Gerald.
“To everyone messaging me, I don’t mean to be rude, but right now, I’m struggling to find the right words or feelings to respond.
“I’m also in an indescribably uneasy place after writing down everything that happened, from start to finish. Reliving those moments feels like I’m back in that powerless, deceived state, and with the understanding I have now, it’s impossible not to get emotional,” saad ni Enzo.
Hinikayat rin nito ang iba pang mga biktima ng musical director na magsalita na.
“To anyone else who was a victim of this person, speak up and free yourself. This wasn’t our fault; HE TOOK ADVANTAGE OF OUR INNOCENCE.
“I sincerely hope get justice, not just for ourselves, but for the potential victims he may be targeting and everyone he already preyed on,” sey pa ni Enzo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.