Vivamax hunk Victor Relosa ni-rape ng pari, hindi na pumupunta ng simbahan
Trigger Warning: Mention of rape
GINAHASA ng pari ang VMX (dating Vivamax) hunk actor na si Victor Relosa noong first year high school pa lamang siya.
Iyan ang rebelasyon ng binata nang makausap siya ng ilang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa naganap na Christmas party ng grupo nitong nagdaang Lunes, December 2.
Natanong kasi ang aktor kung may mga bading na fans na nanghaharas o naglalandi sa kanya dahil sa ginagawa niyang paghuhubad niya sa mga pelikula ng VMX.
“Marami po. Sa social media po, minsan kapag sobrang aggressive yung approach nila, actually minsan hindi ko na lang po nirereplayan.
“In person naman po, ano lang, hindi ko naman sila iniisnab pero siguro naglalagay lang po ako ng konting wall. Na parang siguro dinadaan ko na lang sa biro para mawala po yung awkwardness, na parang eto lang ako, masaya, bibiruin kita ng ano ba, yung naughty na joke.
Baka Bet Mo: Vivamax Bombshell Christine Bermas nahirapan sa kakaungol sa ‘Rita’
“Gagawin kong joke yung naughtiness niya. Ganu’n lang po,” pahayag ni Victor.
Sumunod na tanong sa kanya ay kung may nang-abuso o nangharas na rin ba sa kanya sa showbiz tulad ng nangyari kina Sandro Muhlach at Gerald Santos?
“Sa industry, so far, wala pa naman po. Kasi ewan ko, feeling ko, parang lahat sa industry, kaibigan ko.
“Wala pong nag-a-attempt na gawin. Siguro sa umpisa parang magiging naughty yung approach sa akin,” tugon ng VMX stud.
Patuloy pa niya, “Pero parang pag nakakausap ko na, parang wala, nagiging kaibigan ko po lahat.
“Pero before ako pumasok sa pag-aartista, opo, meron. Actually po, sabihin ko ba? Ahhhh, the reason why hindi po ako…ano po ako, Christian po ako pero hindi po ako nagtse-church. Kasi, I was raped by a priest,” ang pag-amin ni Victor.
Aniya, nagse-serve raw kasi siya noon sa simbahan at taong 2011 daw nang gahasain siya ng pari, “Grade 6 or first year high school po yata ako noon.
“That’s the reason kung bakit hindi na po ako pumupunta ng simbahan. Pero nagdarasal po ako. Maka-Diyos po ako, hindi lang po ako maka-simbahan,” rebelasyon pa niya.
Hindi rin daw siya nagsumbong at nagreklamo matapos siyang molestiyahin ng pari, “Mahirap po kapag bata ka, lalo na po independent po ako. So, wala po akong matakbuhan. Wala po akong malapitan. So, sinarili ko na lang.”
“Independent po ako since 12, e. Wala na po akong kasama. May kani-kanya na pong family yung parents ko.
“Sila naman po ang nagbabayad sa tinutuluyan ko. Simula 12 years old, mag-isa na po ako,” aniya pa.
“Wala po (mapagsumbungan). Kahit relatives, pinsan, tito, tita, wala po akong kakilala, e. Mom and dad ko lang po yung kakilala ko. Kasi parang hindi okay yung sides nila, so inilayo nila ako sa lahat.
“So, lumaki akong silang dalawa lang ang kakilala ko. So, nu’ng naghiwalay sila, wala po akong relatives na nalalapitan,” sabi pa ni Victor.
Nagkaroon ba siya ng trauma dahil sa ginawa sa kanya ng pari, “Actually, kapag naranasan mo yun, hindi agad siya magsi-sink in sa iyo, e.
“Darating ka muna sa point na tatanungin mo kung normal ba iyon. Or, ano ba iyon? Parang it will take you time talaga. Matagal. Siguro taon bago ka mandiri sa sarili mo at bago ka magalit du’n sa tao, sa nangyari.
“So, hindi ko na rin po alam pero kasi ako, sobra akong mapagpatawad na tao. Kaya ayun na lang po siguro. Parang nakalimutan ko na lang siya over time. Pero hindi na talaga ako nakabalik ng simbahan.
“Parang feeling ko, kapag pumupunta ako ng simbahan, lalo lang akong napapalayo sa Diyos,” pag-amin ni Victor.
Sa tanong kung may balak pa ba siyang resbakan ang paring humalay sa kanya, “Para sa akin po, masyado po akong busy sa lahat ng blessings na dumadating po sa buhay ko para balikan pa iyong mga pait ng nakaraan.
“So okay na po. Napatawad ko naman na po siya,” sabi ni Victor.
Dalawang taon na ngayon ang binata sa VMX at marami-rami na rin siyang nagawang pelikula sa number one streaming app sa bansa tulad ng “Litsoneras”, “Kamadora,” “Lagaslas”, “Halo-halo X” at ang “Mama’s Boy”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.