Banta ni Gerald Santos sa mga nang-aabuso: Bilang na mga araw n’yo!
WALA nang atrasan. Itutuloy na ng singer-actor na si Gerald Santos ang pagsasampa ng kaso laban sa musical director na si Danny Tan.
Lantaran nang pinangalanan ni Gerald ang naturang musician sa muli niyang pagdalo sa Senate hearing na nag-iimbestiga sa mga kaso ng sexual abuse at harassment sa entertainment industry.
Ayon sa binata, handa na siyang harapin ang taong nanghalay sa kanya noong 15 years old pa lamang siya sa pamamagitan ng pagdedemanda sa kagustuhang makamit ang inaasam na hustisya.
View this post on Instagram
Matapang ang naging pahayag ni Gerald sa naganap na pagdinig sa Senado sa pangunguna nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada laban sa taong nanghalay sa kanya
“Ngayon po ay handa ko nang harapin ang tunay kong kalaban. Ang nanghalay at umabuso sa akin noong ako ay 15 years old pa lamang – Si Mr. Danny Tan. Maraming-maraming salamat po,” sabi ni Gerald.
Kasunod nito, nag-post din ang binata sa kanyang Facebook page ng kanyang saloobin sa pagharap niya muli sa mga senador, kalakip ang litrato niya sa loob ng Senado.
Baka Bet Mo: Danny Javier: Pumunta akong langit, purgatoryo at saka impiyerno…pagdating ko du’n ang daming taong nakapila
“Attended the Senate Hearing for the 2nd time.. Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng message of encouragement at support nyo sa akin,” simulang sabi ng singer.
Patuloy niya, “Naaappreciate ko po ang lahat ng messages nyo sadyang hindi ko lang masagot sa dami.
“Ang luwag sa dibdib ko ngayon na aking pinangalanan na ang umabuso sa akin kanina sa Senado.
View this post on Instagram
“Unti unti ay nakakamit ko na ang hustisya at dadalin na namin ito sa hukuman.
“Ang akin pong paglabas tungkol dito should not be a lost cause. Ito sana ay magsilbing inspirasyon sa lahat ng mga biktima ng Sexual Abuse na hindi ninyo kailangang matakot.
“Dahil now more than ever ay naaalis na ang stigma at pangmamata sa mga biktima ng ganitong karahasan.
“At sa mga taong gumagawa ng hindi tama at inaabuso ang kanilang posisyon, bilang na ang mga araw ninyo.
“This is a stern warning sa inyo na walang lihim ang hindi mabubunyag!” sabi pa ni Gerald gamit ang mga hastah #advocacy #fight #justice #pray #legal #geraldsantos #sandromuhlach #metoomovement at #philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.