Danny Javier: Pumunta akong langit, purgatoryo at saka impiyerno...pagdating ko du'n ang daming taong nakapila | Bandera

Danny Javier: Pumunta akong langit, purgatoryo at saka impiyerno…pagdating ko du’n ang daming taong nakapila

Ervin Santiago - November 01, 2022 - 09:15 PM

Danny Javier: Pumunta akong langit, purgatoryo at saka impiyerno...pagdating ko du'n ang daming taong nakapila

Danny Javier

BAGO pa man tuluyang mamaalam ang veteran singer-songwriter at OPM legend na si Danny Javier ng iconic trio na APO Hiking Society ay nagkaroon na siya ng pangitain tungkol sa langit at impiyerno.

Sumakabilang-buhay si Danny kahapon, October 31, dahil sa “complications due to his prolonged illnesses” ayon mismo sa kanyang pamilya. Siya ay 75 years old.

“In life, as in his death, our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about.

“He left this world with his passion and strength of will intact and we know he would not have it any other way.

“Our family would like to thank everyone for the outpouring of love, prayers and condolences at this difficult time,” ang bahagi ng pahayag ng anak ni Danny na si Justine.

Ayon naman sa kapatid ng OPM artist na si George Javier, naka-confine sa National Kidney Transplant Institute si Danny at doon na rin binawian ng buhay.

Lubhang ikinalungkot ng mga kasama ni Danny sa APO na sina Jim Paredes at Boboy Garrovillo ang pagkamatay ng kanilang kaibigan.

Kuwento ni Jim, nabisita pa niya si Danny sa ICU habang naka-confine ito sa ospital, “I was able to visit him and we were able to talk for 45 minutes. He was getting better until this happened.”

Sa Facebook post naman ni Boboy Garrovillo nakasaad ang mensaheng, “Just feeling the loss of an old faithful friend who knew what love is although sometimes it just doesn’t show.”

Matatandaan na noong 2010 nang mag-retire ang APO Hiking Society bilang grupo at kung hindi kami nagkakamali, isa sa mga huling TV interview ni Danny ay sa “Kapuso Mo Jessica Soho” taong 2016.

Ayon kay Danny, binigyan lang daw siya ng mga doktor ng 10% chance na mabuhay dahil sa kanyang sakit na congestive heart failure at COPD or Chronic Obstructive Pulmonary Disease.

“I nearly died on June 11, 2011. At that time I preferred to keep it quiet because I’m just another life. One thing led to another. Na-food poisoning ako, akala nila asthma.

“I was told I had kidney failure. I had liver collapse. I had emphysema. I had pneumonia, hepatitis-A, congestive heart failure, and I might have skipped something else, sepsis,” ang paglalahad ng singer sa nasabing panayam.

Kasunod nito, naranasan din daw niya ang tinatawag na “white light” experience, “‘Yung sandali lang, hawak-hawak ko ‘yung kamay ng anak ko. Ang feeling ko, kung saan-saan ako nagpupunta.

“Pumunta akong langit, purgatoryo at saka impiyerno. Pagdating ko sa impiyerno, ang daming tao, nakapila. Lahat, mga kaibigan ko. So at home na at home ako,” natatawang biro ni Danny.

Patuloy pa niya, “Sabi ko sa bantay, pwede ba kong bumalik? Kasi walang gustong magpasingit e. Nu’ng umalis ako, namulat ako, hawak ko pa rin yung kamay ng anak ko.”

Sa nasabi ring panayam, sinabi ng singer na hindi raw siya natatakot sa kamatayan, “This is my time to go, it’s my time to go. I have never been afraid of death. Kung hindi ka mamamatay, hindi ka nabuhay. di ba? ‘Yun talaga ang destination mo, e.”

Ilan sa mga kantang pinasikat nina Danny, Boboy at Jim ay ang “Batang-Bata Ka Pa”, “Panalangin”, “Awit Ng Barkada”, “Yakap Sa Dilim”, “Ewan”, “Kaibigan”, “Pumapatak Ang Ulan”, “Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba”, “Nakapagtataka”, “Blue Jeans”, “Anna” at “When I Met You”.

Tumatak din sa mga Filipino ang mga Christmas songs nila tulad ng “Tuluy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko”, “12 Days of Pinoy Krismas”, “Paskong Walang Pera” at ang version nila ng “Pasko Na Sinta Ko”.

Danny Javier ng APO Hiking Society pumanaw na sa edad 75

Pagpanaw ni Danny Javier ipinagluluksa ng showbiz industry: ‘Panalangin ko sa habangbuhay, makapiling ka, makasama ka, yan ang panalangin ko…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuh Ledesma nakita at nakausap pa si Danny Javier bago tuluyang mamaalam: ‘He was funny and always made me laugh’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending