Gerald Santos pinangalanan na ang nanghalay sa kanya: Handa na 'ko! | Bandera

Gerald Santos pinangalanan na ang nanghalay sa kanya: Handa na ‘ko!

Ervin Santiago - August 27, 2024 - 12:59 PM

Gerald Santos pinangalanan na ang nanghalay sa kanya: Handa na 'ko!

Gerald Santos

Trigger Warning: Mention of rape, sexual harassment

DIRETSAHAN nang pinangalanan ni Gerald Santos ang musical director na umano’y nanghalay sa kanya noong 15 years old pa lamang siya.

Bumalik ang singer-actor sa pagdinig ng Senado ngayong araw para sa pagpapatuloy ng hearing tungkol sa “Policies of Television Networks and Artist Management Agencies in Relation to Complaints of Abuse and Harassment”.

Ito’y sa pangunguna pa rin nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada na umaasang kahit paano’y may magandang resulta ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Baka Bet Mo: Gerald Santos ipinaglaban ni Kuya Germs matapos daw pag-initan sa GMA

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa unang bahagi ng pagdinig, muling isinalaysay ni Gerald ang ginawa sa kanya ng inakusahang musical director na naging bahagi ng singing competition na sinalihan niya sa GMA 7 ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Ayon kay Gerald desido na siyang kasuhan ang taong nanghala at nang-abuso sa kanya ngunit pinag-aaralan pa raw ng kanilang legal counsel kung rape, child abuse at sexual harassment ang isasampa nilang asunto.

Ayon pa sa Broadway star, sa kabila ng nangyari sa kanya, patuloy pa rin daw siyang tumatanaw ng Kapuso ng utang na loob sa GMA 7 dahil sa naturang network naman daw sila nagsimula at unang nakilala.

“Uulitin ko po na hindi po ako makikilala at magkakapangalan po sa industriya kung wala po ang GMA. Up until now, proud po ako na ako po ay minsang naging Kapuso,” pahayag ni Gerald sa naganap na pagdinig.

“Isa pong kaluwagan sa akin ngayon na malaman officially na mayroong ginawa ang GMA laban sa taong aking inakusahan 19 years ago.

“Kung sana lamang po ay napagbigyan ang aming formal na kahilingan noong February 28, 2011 na kami ay maabisuhan man lamang po sa naging resulta ng imbestigasyon ng GMA ay maaaring noon pa po ay nagkalakas sa loob na kami at nakapag-file ng kaso sa tamang umpuman.

“Ganu’n pa man ay maraming salamat po sa GMA sa action po na kanilang ginawa sa complaint na idinulog ko, ang tanggalin sa network ng taong aking inakusahan.

“Yung resulta pa rin po ng investigasyon na yun, 19 years ago ang aming ihilingin na magkaroon kami ng kopya para magamit namin sa pag-build up ng case,” pahayag ng binata.

Ito naman ang mensahe niya sa GMA n
Network, “Pero hindi ko po kungad nasirain at dungisan ng magandang imahe at reputasyon ng GMA. Hindi ko po ito laban against GMA kundi sa mga taong gumagawa ng kahalayan at kasamaan.

Sabi pa ni Gerald sa kanyang pinagdaanan, nagsanhi ito ng matinding trauma sa loob ng ilang taon.

Depensa pa niya, maraming dahilan  kaya tumagal nang halos dalawang dekada bago siya nagdesisyong magsampa ng kaso laban sa nanghalay umano sa kanya.

“Ako po ay mahina, walang kalaban-laban at walang kilala, ako po ay isang mahirap lamang.

“Hinihiling ko po sa komiteng ito na mas paigtingin pa ang batas laban sa sexual harassment, sexual abuse at rape lalo na po

“Sa ngayon po ay patuloy naming pinag-aaralan ang mga legal options (na aming gagawin sa kaso),” matapang na sabi ni Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa sa huling bahagi ng kanyang pahayag, “Ngayon po ay handa ko nang harapin ang tunay kong kalaban. Ang nanghalay at umabuso sa akin noong ako ay 15 years old pa lamang – Si Mr. Danny Tan. Maraming-maraming salamat po.”

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Danny Tan sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending