Manager ni Gerald Santos nagpasaring sa GMA Network

Manager ni Gerald Santos nagpasaring sa GMA Network

Therese Arceo - August 23, 2024 - 02:22 PM

Manager ni Gerald Santos nagpasaring sa GMA Network

HINDI napigilan ng manager ni Gerald Santos na si Rommel Ramilo ang magpahayag ng saloobin patungkol sa inihaing reklamo ng kanyang alaga sa GMA Network.

Nag-comment kasi ito sa isa sa recent post ng binata kung saan inilabas nito ang naiisip niyang dapat ginawa noong ng network sa reklamo ng singer-actor.

Aniya, dapat raw ay binigyan ang singer-actor ng official result ng kanilang imbestigasyon para nagamit ito ni Gerald sa pagsasampa ng kaso.

Baka Bet Mo: Gerald Santos ipinaglaban ni Kuya Germs matapos daw pag-initan sa GMA

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“They should have still furnished Gerald with the official result of their investigation together with the official resolution so it could have been used in the formal filing of charges,” saad ni Rommel.

Dagdag pa niya, hindi pa raw dapat matapos sa pagtanggal sa nang-abuso sa kanyang alaga at dapat ay nag-extend pa sila ng tulong para suportahan ang biktima.

“The role of the network DOES NOT END after terminating the accused. If their concern was indeed the victim, they should have helped and supported the victim through psychological and psychiatric support, at least,” sey ni Rommel.

Dapat rin daw ay tinulungan rin nila si Gerald na i-explore ang kanyang legal options lalo na’t minor de edad pa lamang siya nang mangyari ang insidente.

“’Serbisyong totoo lamang’ should.apply in this particular case,” bwelta pa ni Rommel.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang GMA Network sa mga sinabi ng manager ni Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending