2 GMA writer binasag si Sandro: Bakla kami, pero di kami abuser

2 GMA writer binasag si Sandro: Bakla po kami, pero hindi kami abuser

Ervin Santiago - August 12, 2024 - 05:02 PM

2 GMA writer binasag si Sandro: Bakla po kami, pero hindi kami abuser

Richard Cruz, Jojo Nones, Jinggoy Estrada at Sandro Muhlach

Trigger Warning: Mentions of sexual abuse

HARAP-HARAPANG itinanggi ng dalawang “independent contractors” ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz na inabuso at hinalay nila si Sandro Muhlach.

Present ang mga inireklamo ng Sparkle artist sa ginanap na Senate hearing ngayong araw para sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media.

Pinadalhan sila ng subpoena ng Senado dahil hindi nga sila dumalo sa unang pagdinig last Friday, August 10. At sa pagharap nila sa hearing, mariin nilang itinanggi ang sexual harassment na isinampa laban sa kanila ni Sandro.

Baka Bet Mo: Vice: Pag bakla ka, ang hirap ipaniwala sa tao na mahal ka ng jowa mo!

Sa unang bahagi ng pagdinig, humingi ng paumanhin ang dalawang independent contractors sa hindi pagdalo sa first hearing dahil natakot silang mahusgahan agad ng publiko.

Binasa nila sa harap ng mga senador ang kanilang official statement hinggil dito. Sabi ni Nones, “Bago po ang lahat, gusto po naming humingi ng paumanhin sa hindi namin pagdalo sa unang pagdinig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Inaamin po namin na natakot po kaming ma-subject sa media circus at premature trial. Gayundin po, natakot din kami na malabag namin ang confidentiality ng imbestigasyon na isinasagawa ng NBI (National Bureau of Investigation) nang nagsimula na ang mga panahong iyon at nagpapatuloy pa rin sa ngayon.

“Nasabihan po kasi kami na bawal ilabas ang lahat ng mga counter-allegations at ebidensiya namin sa publiko, dahil ayon sa NBI ay kahit ang alegasyon ng diumano’y biktima ay hindi pa rin nila maaaring ilabas dahil subject pa ito sa validation ng kanilang ahensiya.

“Lahat pa raw po ng hawak ng NBI ay hindi pa ebidensiya hangga’t hindi pa napapasa sa piskalya.

Baka Bet Mo: Ruffa sa laiterang bashers: It’s an honor to look gay, mas type kong magmukhang bakla!

“Subalit matapos po naming mapanood ang nakaraang pagdinig ay nakita po namin na hindi mangyayari ang aming kinakatakutan dahil sinabi at siniguro naman po ng kagalang-galang nating chairman na si Senator Robin Padilla na hindi magiging korte ang senado.

“Kaya humihingi rin po kami ng patawad sa kagalang-galang nating senador na si Jinggoy Estrada, kung naunahan po kami ng takot, kaba, at pangamba,” aniya pa.

Kasunod nito, inamin naman nina Nones at Cruz na sila nga ang “independent contractors” ng GMA Network na inireklamo ni Sandro.

Paliwanag ni Cruz, “Opo, kami po ang independent contractors ng GMA Network na tinutukoy sa mga online post na kumalat noon mga nakaraang araw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Subalit, hindi po kami gumawa ng anumang sexual harassment or abuse laban kay Sandro Muhlach.

“Sa pagkakataong ito, sa harap ninyong lahat, mariin pong itinatanggi namin ang lahat ng mapanirang akusasyon na ito laban sa amin.

“Kami po ay hindi executives ng GMA Network, tulad ng lumalabas. Taliwas sa sinasabi online, wala po kaming kapangyarihan o impluwensiya sa network, lalung-lalo na sa mga artista nito.

“Sinabi naman po ng GMA na hindi kami regular employee ng network. Alam po namin na konting pagkakamali lamang na nagawa namin sa produksiyon ay maaaring ma-terminate ang aming kontrata at mawalan kami ng trabaho,” lahad pa niya.

Patuloy pa ni Cruz, “Tumagal kami sa telebisyon ng more or less thirty years, at bago ang pangyayaring ito ay malawak ang aming naging kontribusyon sa industriya sa telebisyon sa pamamagitan ng naiambag naming mga award-winning at top-rating television shows and teleseryes.

“Maganda po ang takbo ng aming karera. Maitatanong niyo po sa aming mga nakatrabaho at masasabi naman po namin na iginagalang kami at naging malinis po ang reputasyon namin sa aming naging employer at nakatrabaho sa loob ng tatlumpung taon.

“Sa tinagal-tagal namin sa industriya, wala po kahit ni isang reklamo, sexual man or anuman ang nag-file sa amin. Kaya hindi po namin sisirain ang iniingatan naming pangalan, karera, at reputasyon para makapang-abuso o harass ng isang tao,” litanya pa niya.

Dagdag naman ni Nones, “Lalo na po na alam namin na anak ng sikat na artista at maimpluwensiyang pamilya si Sandro. Ano naman po ang laban naming mga ordinaryong manggagawa lamang laban sa kanila?”

Lantaran ding umamin ang dalawa na sila’y miyembro ng LGBTQIA+ community. Giit ni Nones, “Hindi naman po namin itinatanggi na bakla kami.

“Sa katunayan, ang pagiging bakla namin ang isa sa mga dahilan kaya kami naging creative, artistic, at nagkaroon ng skills na kailangan sa industriya.

“Buong buhay namin ginamit namin ang pagiging bakla namin sa maayos na paraan para maitaguyod ang aming pamilya.

“Kaya napakasakit sa amin at sa aming pamilya na mabasa ang aming mga pangalan online na may caption na bakla o kung anu-anong masasakit at mapanirang puri na bansag at deskripsyon.

“Bakla po kami, oo, pero hindi kami mga abuser. Bakla kami, oo, pero hindi kami gumagawa ng masama sa kapwa. Bakla kami, oo, at may takot po kami sa Diyos.”

Ipinagdiinan din ni Nones na hindi sila mga kriminal, “Sa huli, kami rin po ay humihingi ng hustiya. Mabigyan sana ng hustisya ang malisyosong pagbibintang sa amin.

“Kaya po naming patunayan sa piskalya o anumang korte na wala kaming kasalanan. Hintayin lang po sana natin ang proseso, ang due process.

“Pero habang hinihintay po yan, humihiling po kami sa sambayanan na huwag niyo muna po kaming husgahan, ituring na parang mga convicted criminals,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ang mensahe nila kay Sandro, “Kay Sandro, wala kaming ginawang masama sa iyo, alam mo yan sa puso mo. Hindi pa huli ang lahat na magsabi ng totoo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending