Vice: Pag bakla ka, ang hirap ipaniwala na mahal ka ng jowa mo

Vice: Pag bakla ka, ang hirap ipaniwala sa tao na mahal ka ng jowa mo!

Ervin Santiago - June 23, 2024 - 03:27 PM

Vice: Pag bakla ka, ang hirap ipaniwala sa tao na mahal ka ng jowa mo!

Vice Ganda at ion Perez

PROUD na ibinandera ni Vice Ganda ang kanyang wagas na pagmamahal para sa kanyang asawang si Ion Perez, bilang bahagi ng selebrasyon ng Pride Month ngayong taon.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Vice ng ilang video clips mula sa kanyang mga TV show kung saan ibinabahagi niya kung gaano kahirap ang magkaroon o mapasok sa isang gay relationship.

“I will always retell our story with pain but with high hopes, gratitude, joy, and #PRIDE.

Baka Bet Mo: Julia love na love ang mga miyembro ng LGBTQ: ‘Bakla’ na ako kasi lahat ng best friends ko bakla

“May WE all continue to love and win. Happy Pride to my LGBTQIA+ community!” ang nakalagay sa caption ng IG post ni Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Sa isang bahagi ng video ng TV host-comedian, mapapanood ang pagbabahagi niya sa ginawang proposal ni Ion sa kanya sa isang episode ng “Everybody Sing” noong July, 2023.

Naging emosyonal si Vice habang kinakausap ang mga engaged couple sa kanyang show, “Naiinggit ako kasi hindi ganoon ‘yung naramdaman ko nu’ng nag-propose sa ‘kin si Ion.

“Naiinis ako kasi hinayaan kong talunin ng takot ‘yung dapat saya kong naramdaman,” ang lumuluhang sabi ni Vice.

Baka Bet Mo: Herlene Budol insecure noon sa sobrang tangkad: Napagkakamalan akong bakla dati pa, pati boses ko…

“Sobrang dami ng sinasabi sa amin ni Ion, nanakawan ako ng joy, parang sa inyo, ‘di ba? Ang sarap ng normal, kasi ang normal niyan (engaged couples) sa paningin ng marami, ‘di ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


“‘Yung babae tsaka lalaki pero ‘yung sa amin hindi normal ‘yung tingin sa amin (LGBTQIA+ couple),” sabi pa ni

Pero ngayon daw, “‘Yung fear ko nu’n, wala na at ‘yung care ko nu’n sa ibang tao, wala na. Kasi all my care now, lahat ng care ko, na kay Ion na lang at sa nararamdaman namin.”

Sa isa pang video clip, maririnig si Vice na nagda-dialogue ng, “‘Pag bakla ka, ang hirap magkajowa. ‘Pag bakla ka, ang hirap ipaniwala sa mga tao na mahal ka ng jowa mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nagkaroon ng commitment ceremony (a non-legal wedding) sa The Little Vegas Chapel, Nevada, USA, noong 2021.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending