Herlene Budol naging daan para matagpuan ng isang pamilya ang kamag-anak na matagal nang nawawala: Iba ka talaga, Lord! | Bandera

Herlene Budol naging daan para matagpuan ng isang pamilya ang kamag-anak na matagal nang nawawala: Iba ka talaga, Lord!

Ervin Santiago |July 25,2022
facebook
share this

Herlene Budol naging daan para matagpuan ng isang pamilya ang kamag-anak na matagal nang nawawala: Iba ka talaga, Lord!

Ervin Santiago - July 25, 2022 - 07:50 AM

Herlene Budol at Danny Marquez

KINILABUTAN ang Kapuso comedienne na si Herlene Budol na kilala rin sa tawag na Hipon Girl nang malaman ang nangyari sa isang taong naabutan niya ng kaunting tulong kamakailan.

Naging daan kasi ang aktres at aspiring beauty queen sa muling pagtatagpo ng taong tinulungan niya at ng pamilya nito na matagal nang panahong nagkalayo.

Ipinost kasi ni Herlene sa kanyang social media account ang litrato ng lalaking nagngangalang Danny Marquez na nakilala niya sa isang charity event ng Binibining Pilipinas.

Isa ang komedyana sa mga kandidata ng nasabing pageant na dumalaw sa Missionaries of the Poor in Manila kamakailan lamang para pasayahin ang mga taong matagal nang naninirahan doon.

At matapos ngang ibahagi ni Herlene ang litrato ni Mang Danny sa kanyang Instagram account, isang netizen na nagngangalang Real Aneth Florendo Tianela ang nagsabing kamag-anak nila ang lalaki na matagal na raw nilang hinahanap.

“Thank you so much po sa ’yo madam na nakita namin s’ya na buhay pa, ang buong akala po namin matagal na s’yang patay.

“Danny Marquez po siya, tubong Bikolano. Siya po ay naninirahan sa’min ng higit sa 35 years. Isang araw nagulat po kami naglayas siya.

“Yon nga po may nagpost din sa kanya noon at hinahanap kami. May sakit na siya noon,” ang pahayag ni Real Aneth sa kanyang naging comment sa IG post ni Herlene.

Nang mabasa naman ng dalaga ang post ni Real agad niya itong ipinaalam sa charity team ng Binibining Pilipinas para makilala at matunton ang kinaroroonan ng pamilya ni Mang Danny.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Ayon sa Kapuso star, hindi niya akalain na ang simpleng pagtulong niya ay muling matatagpuan at makakasama ng kanyang pamilya si Mang Danny.

“OMG!!! Tumaas po balahibo ko. akalain mo yung sa simpleng pag tulong ko ay may isang pamilya tayo mapagbubuklod buklod at muling makakasama ang isa’t isa.

“Gusto ko etong ma witness at ma meet yung nag comment at kasama uli si Tatay Danny sa Missionaries of the Poor,” ani Herlene sa isa pa niyang post.

Kasunod nito, nagpasalamat naman siya sa kanyang yumaong lola na si Nanay Bireng dahil ramdam niya na kahit wala na ito ay patuloy pa rin siya nitong ginagabayan.

“Iba ka talaga Lord. Ang lakas ko sa ’yo at ginawa mo akong instrumento sa ganitong paraan. mas pagbubutihan ko pa at ipagpapatuloy ko pa ang aking pag tulong at makita ko pa ang Purpose ko sa buhay. Gabayan nyo pa ako Lord,” pahayag pa ni Herlene.

Samantala, ngayon pa lang ay excited na ang kanyang mga supporters sa gagawin niyang pagrampa sa grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 na gaganapin sa July 31 sa Araneta Coliseum.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umaasa sila na makakakuha si Hipon Girl ng titulo at korona para maging bet ng Pilipinas sa international beauty pageant.

Herlene Budol bumuwelta sa mga ‘golden bashers’; may hiling para sa magulang nina Toni at Alex

Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending