Imee Marcos sa mga gustong i-impeach si VP Sara: Demokrasya!
DINIPENSAHAN ni Senator Imee Marcos ang kaibigang si Vice President Sara Duterte laban sa mga nasa Kongreso na umano’y “gigil na gigil” paalisin ang bise presidente sa kanyang puwesto.
Nitong Lunes, September 9, naglabas ng pahayag ang senadora sa kanyang social media pages kung saan iginiit niya ang pagkakaroon ng demokrasya.
Ani Sen. Imee, nais raw na paglaruan ng mga “gigil” kay VP Sara ang demokrasya kaya bet ng mga itong magsampa ng impeachment case laban sa huli.
“Sa mga nasa kongreso na gigil na gigil na magsampa ng impeachment case laban kay VP INDAY SARA, Magsilbing paalala ito na ang gusto n’yong paglaruan ay ang Demokrasya.
Baka Bet Mo: Imee Marcos kay Quiboloy: Sumurender na lang nang maayos
View this post on Instagram
“Ang mga hakbang na ito ay kabastusan sa pasya ng bayan at resulta ng eleksyon; isang panghahamak sa boses at karapatan ng sambayanan sa pagpili ng kanilang lider,” saad ni Sen. Imee.
Dagdag pa niya, nais raw ba ng mga ito na hamunin ang 32M?
Sey pa ni Sen. Imee, “Alalahanin ninyo ang tagumpay na naitala ng kanyang boto ay ang pinakamalaki sa kasaysayan-Naghahamon ba kayo sa 32M?
“O naghahanap kayo ng gulo upang hatiin ang bayan-na may napakaraming problema sa kasalukuyan?”
Ang 32M na tinutukoy ng senadora ay ang bilang ng mga taong bumuto sa UniTeam tandem noong nagdaang 2022 national elections.
Kamakailan lang nang sinabi ni ACT Teachers party-list France Castro na “impeachable offense” umano ang maling paggamit ng pera ng taumbayan matapos ilabas ng Commission on Audit (COA) ang notice of disallowance ng P73 million sa P125 million na confidential fund ng opisina ni VP Sara noong 2022.
Sinagot rin naman ni Castro ang pahayag ni Sen. Imee at sinabing walang plano na maghain ang Makabayan bloc ng impeachment case ngunit mayroon silang basis para gawin ito sa bise presidente.
“Impeachment is a constitutional mechanism that serves as a recourse for the people against abuse by high government officials. It is an essential part of our democratic processes to ensure that leaders remain accountable to the people they serve,” lahad ni Castro.
Dagdag pa niya, “Threatening those who wish to exercise their right to hold officials accountable is a direct attack on democracy. It is imperative that we uphold the people’s right to seek redress against abuses of power.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.