Actor-producer sinayang ang DP dahil hindi natuloy ang int'l project

Actor-producer sinayang ang downpayment dahil hindi natuloy ang int’l project

Reggee Bonoan - September 08, 2024 - 10:06 AM

Actor-producer sinayang ang downpayment dahil hindi natuloy ang int'l project

NAKAPAGBIGAY na ng downpayment ang producer-actor sa cast ng pelikulang isasali sana sa International Film Festival sa ibang bansa pero nagsabi ang taong malapit sa producer na hindi na matutuloy ang project.

Ang dahilan ay, “Kinapos sa budget kasi nu’ng muling nag-meeting ang producer-actor sa mga taong kausap niya na ikinagulat niya dahil biglang lumobo ang buje, e, samantalang plantsado na at handa na nga lahat para sa shoot pati ‘yung mga locations sa out of town okay na, e, hayun hindi na raw tuloy.”

Inalam namin kung hindi na talaga tuloy o shelved na, paano ‘yung mga downpayment na ibinigay sa mga artista?

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati nakatanggap ng P10-M kaya nakabili ng bagong bahay, true kaya?

“Hindi na babawiin kasi kung baka naistorbo na sila dahil pina-block off  ‘yung mga araw ng shooting, eh.”

Bukod dito ay tila nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang producer-actor at investor nito dahil isa itong foreigner.

“Alam mo naman ang mga foreigner ‘di ba, kung ano ‘yung sinabi mo ‘yun na ‘yun, e, ang daming changes pa, ayaw nila ng ganu’n,” tsika ng taong malapit sa producer.

Ang producer-actor ay kasalukuyang nasa ibang bansa kung saan siya naka-base ngayon na wala naman kaming balita kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon dahil wala naman siyang pino-post sa social media niya.

“Busy sa kararampa sa Paris ay sa US pala ha, ha, ha, ha,” birong sabi ng taong malapit sa producer-actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending