Aktor na hindi marunong umarte pinagtawanan ng kapwa artista, hiwalay na rin sa jowa? | Bandera

Aktor na hindi marunong umarte pinagtawanan ng kapwa artista, hiwalay na rin sa jowa?

Reggee Bonoan - November 11, 2022 - 08:30 PM

Aktor na hindi marunong umarte pinagtawanan ng kapwa artista, hiwalay na rin sa jowa?

TINATAWANAN ng ibang co-actors niya ang aktor na hindi naman narating ang kasikatan dahil nga hindi naman marunong umarte kahit ilang beses binigyan ng tsansa.

“Kaya para magkaroon ng saysay ang existence niya kung anu-ano ang pinasukan niya para masabing may achievements siya kasi nga hindi naman siya pumasa sap ag-arte.

“In fairness natapos naman niya lahat ng mga pinasukan niya, kaso ‘yung isa parang wala naman din siyang ginagawa, puro pa-picture lang kunwari na busy siya pero ang totoo hindi, ha, ha, ha.

“Nagkakasama na kami ni (aktor) pero hindi kasi siya mahilig gumimik, may sariling mundo mas gustong nag-iisa kaya feeling namin ng tropa may pinagdadaanan ‘to, ginagawa na lang alibi ‘yung busy siya.

“Isipin mo walang dyowa, malayo sa pamilya, hindi gumigimik, so ang boring ng life niya,” kuwento ng aktor na naka-trabaho ng aktor na bida sa blind item.

Kinurek namin ang aming kausap, sabi namin na may dyowa ang aktor at may ibang trabaho at huli naming balita ay baka kasal na ang dalawa.

“Naniniwala kang may dyowa? E, ni picture nga walang maipakita, hindi nga nagkukuwento kung nasaan at sino o saan work. Dito ba sa Pinas o sa ibang bansa? Pansin mo puro siya lang laman ng social media niya at ‘yung mga kasama niya sa show?” giit naman ng aming ka-tsikahan.

Actually, napansin din namin na kung talagang masaya ka at may lovelife ka dapat ipinagmamalaki mo ito o maski isa dapat may larawang magkasama. Talagang inisa-isa namin ang social media accounts niya wala talaga, baka naman hiwalay na sila kasi hindi ko na rin nababalitaang umaalis ng bansa ang aktor.

Dati kasi kapag nagdi-date sila ay sa ibang bansa ito nagaganap kasi doon din yata naka-base ang dyowa.

“Naniwala ka? May picture bang magkasama? May pruweba? Ha, ha, ha, kasi may tsika nga na alam mon a. Baka front lang niya kunwari busy siya pero alam mo na,” say ng co-actor ng bida sa blind item.

Oh well, kung anuman ang totoo, e, lalabas din naman soon.

* * *

Matindi ang bagong aksyon serye ni Richard Gutierrez bilang Kapamilya sa bagong programa ng ABS-CBN Entertainment na “Iron Heart” na magsisimula sa darating na Lunes, Nobyembre 14.

Gagampanan ni Richard ang karakter na Apollo, taong may pambihirang lakas na pipiliing ibuhos ang kanyang panahon para sa misyong pabagsakin ang isang malaking sindikato. Alamin ang mga sikretong kanyang malalaman tungkol sa sarili pati na rin ang kanyang iba pa niyang koneksyon sa kanyang misyon.

Ayon kay Richard, isang makabagong approach ng paggawa ng action series ang dapat abangan ng viewers sa programang pinangungunahan nina Direk Lester Pimentel Ong at Richard Ibasco Arellano.

“We wanted to do more hand-to-hand combat. A more modern approach in terms of cinematography. We wanted to show something different in terms of action. Matagal na akong hindi napapanood gumawa ng aksyon na ganito,” sabi niya.

Dalawang babae ang iibig sa kanyang karakter bilang Apollo. Isa na rito si Maja Salvador na nagbabalik-Kapamilya sa serye para sa isang espesyal na role.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)

“Hindi siya bago sakin pero sobrang importanteng ito because it’s ABS-CBN. Ang ABS-CBN ay ang ganda gumawa ng isang teleserye. Na-miss ko gumawa ng isang love story. Madali lang ako napapayag,” saad niya.

Samantala matapos naman ang success ng “The Broken Marriage Vow” kung saan tumatak ang pagganap niya bilang Lexy Lucero, sinabi ni Sue na asahang mas daring ang kanyang karakter dito.

“I think masu-surpass nito ang pagiging daring ko sa last role ko. Not only the outfits as seen in the trailer but ibang iba yung character. Iba yung upbringing,” ani Sue.

Bukod naman sa intense action at all-star cast, isa rin sa dapat abangan sa serye ang pagbibida nito sa kagandahan ng Cebu kung saan gagawin ang buong serye.

Paliwanag ng creative head ng palabas na si Jay Fernando, “If they are the best characters or players of this game, Cebu is the best playground to do this show. You have the pristine beaches, the longest bridge, and high-rise buildings in one town.”

Mapapanood din sa seryeng hatid ng Star Creatives ng ABS-CBN sina Jake Cuenca, Albert Martinez, Dimples Romana, Pepe Herrera, Baron Geisler, Sofia Andres, Kyle Echarri, Diether Ocampo, Enzo Pineda, Althea Ruedas, Meryll Soriano at marami pang iba.

Huwag palampasin ang premiere ng palabas simula Nobyembre 14 (Lunes), 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.

Related Chika:
Kilalang female celeb ang tagal-tagal na sa showbiz pero hindi pa rin marunong umarte

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#TalagaBa: Super pretty na aktres hindi naliligo araw-araw, pero hindi bumabaho ang katawan

May mga natutunan ba si Richard Gutierrez kay Coco Martin nang magsama sila sa ‘Ang Probinsyano’?

Sino kaya ang makakatambal ni Richard Gutierrez sa ‘Iron Heart’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending